AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Kapareho ng Interes

Dahil sa last kong post napahanap tuloy ako ng ibang kanta at nahanap ko ang video na nasa itaas. Sa video kasi na yan, ang mga kumakanta ay hindi ang original singers (singers tuloy ang nasabi ko, ang dami kasing boses. si Wada Kouji ang original na kumanta niyan) ng “Butter-fly” kundi magkakabarkada lang siguro (halata naman sa pagkaka-record, ang dami nila).

Sa mga kaibigan ko ako lang pinakamahilig sa anime. Gusto nila ng anime pero not to the point na kakanta sila ng OSTs ng mga ito. Ako kasi kinakanta ko pati mga OSTs dala ng kaadikan ko dito. Hindi ko naman kinakanta ang mga J-Pop dahil sa anime fan lang ako, gusto ko talaga ang mga kanta nila kahit di ko naiintindihan sa umpisa (hahanap ng translation).

Medyo nakakalungkot lang kasi, wala naman akong kaibigan na kapareho ko ng interes para maka-jamming kagaya ng mga adik na kumakanta sa video na yan. Naiisip ko tuloy na ang sarap ng pakiramdam kapag meron kang ka-close na kapareho mo ng interes. Habang pinapanood ko nga ang video na yan ay kinikilabutan ako, para kasing nararamdaman ko kahit papaano ang saya ng pagsasamahan nila. Haaayyy…………….. (lonely-mode)

Setyembre 30, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , , , | Mga Puna

When the Sun is Shining Again

Naisip ko lang i-post to, na-miss ko kasi bigla. Naghahanap ako ng mga anime songs ng makita ko to ulit. Ginamit ito bilang 4th ending theme ng anime na Yu Yu Hakusho (Ghost Fighter dito sa Pilipinas). Kinanta ito ni Hiro Takahashi (R.I.P.) at ang pamagat ay “When the Sun is Shining Again” or “Taiyou Ga Mata Kagayaku Toki” sa romaji.

Setyembre 29, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , | Mga Puna

Kuwentong Kababalaghan


Matagal na mula nung binili ko yung “True Philippine Ghost Stories Book 26″ at “The Best of TPGS” pero di ko pa rin sila natatapos basahin. May iba kasi akong ginagawa kapag weekend at pangalawa parang ayoko munang takutin ang sarili ko dahil sira pa rin ang ilaw sa kuwarto ko.

Kapag nagbabasa kasi ako ng nakakatakot may nararamdaman akong excitement at nakakaramdam ako ng goosebumps at pakiramdam ko may nakatingin sa akin habang nagbabasa, malamang ganito rin ang pakiramdam ng ibang tao kaya gusto rin nila. Ayon nga naman sa mga Psychic, kapag alam ng mga kaluluwa o mga elemental na sila ay pinag-uusapan nagsisilapitan sila, siguro ganun din kapag nagbabasa ka ng mga tungkol sa kababalaghan. Ayon din kasi sa iba ko pang nabasa nung nagreresearch ako about astral projection, kapag nakalabas ka na sa iyong katawan kailangan wag mag-isip ng anumang hindi kaaya-aya, malakas daw kasi ang thoughts ng mga tao at nag mamanifest ito sa astral plane kaya kung nagiisip ka ng negative o kung ano mang nakakatakot maa-attract nito ang mga negative at nakakatakot na nilalang sa astral plane. Marahil ganun din kapag nagbabasa ka ng mga kababalaghan o nakakatakot kaso nga lang nasa sarili mo pa rin ikaw na katawan.

Nung bata pa ako tingin ko na experience ko na rin mag astral project. Siguro lima o anim na taong gulang ako noon. Nanaginip kasi ako ng nakalutang ako at tinitignan ko ang sarili ko na natutulog. Para kasi siyang totoong nangyari at hindi panaginip lang. Nalaman ko lang na ganun pala ang nangyayari kapag nagaastral projection nung mapanood ko ang explanation ng isang psychic tungkol dito sa TV maraming taon na ang nakalipas mula nung maranasan ko yun.

Gustong-gusto ng mga tao ang nakakaramdam ng takot sa mga bagay na ganito, tingin ko naiintindihan ko naman sila kahit papaano dahil ganun din man ako. Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro dahil sa adrenaline na nararamdaman kapag natatakot kaya hinahanap-hanap. Kaya nung college ako, nag research ako about opening the third eye. May mga exercises para ma open ito tulad ng meditation, pag record sa panaginip (puwede rin to sa astral projection), pagtitig sa isang image na maraming circles (nakita ko to sa isang website na may name na Pazuzu), at marami pang iba. Ang nasubukan ko ay ang humiga sa posisyon na komportable at mag concentrate sa parte ng noo na malapit sa gitna ng kilay. Andito daw kasi ang isang chakra point para mabuksan ang sixth sense. Araw-araw ko ito ginagawa bago matulog pero hindi ko rin ito naituloy dahil kinikilabutan na ako after ten minutes ko itong ginagawa. Siguro hindi ko pa kaya i-handle kaya tiyaka ko na lang susubukan ulit.

Meron ding pinatalastas sa TV na seminar para ma open ang third eye o sixth sense. Nakita ko ito nung nanonood ako ng Nginiiig!!! na TV horror flick sa ABS-CBN. Nag-try ako mag-email pero hindi ko masend sa e-mail na binagay nila sa TV kahit sa yahoo o gmail ko ito isend. Naisip ko na lang na baka hindi pa ako puwede dahil duwag ako. Iniisip ko nga lang sila natatakot na ako pero gusto ko pa rin makakita ng mga ganun. Marami rin akong nabasang forums na may mga taong nagtatangka na iopen ang sixth sense o third eye nila pero katulad ko parang wala lang effect ang pagsasabi ng iba na wag na dahil sa consequences ng pagkakaroon nito. Dahil na curious na rin naman kaya sige-sige na lang hanggang magsisi. Hahaha!

Ang kaibigan ko, nakakita na siya sa office nila at tanghali pa ito nangyari. Wala nga talaga silang pinipiling oras. Habang may ginagawa siya sa computer ay may tumabi sa kanyang lalake na akala niya ay nakikibasa lang pero paglingon niya wala itong ulo. Ganito rin ang na experience ng kasamahan ng ate ko at sa workplace din nangyari. Headless ghost din ang nakita niya. Nangyari ito sa kanilang dalawa habang nag-iisa lang sa office. Mukhang type talaga ng mga multo manakot kapag nag-iisa ka lang. Puro headless ghost ang nagpapakita buti na lang at hindi demonyo pero malay mo demonyo pala yun na nagpapanggap na headless ghost. Nung college naman, kamamatay lang ng school directress namin, isang gabi siguro around 7:30 – 8:30 pm ay nasa school pa kami at nagre-ready ng umuwi. Isa sa mga kaklase ko ang pumunta muna sa banyo. Naghintay kami sa may malapit lang din sa banyo dahil may upuan dun kaya alam namin kung may papasok. Pumasok siya sa isang cubicle para gawin ang pinunta niya dun. May nakita siyang pumasok sa banyo na nakasapatos ng pula na may takong. Hindi niya ito pinansin. Paglabas niya ng cubicle bigla niyang naisip silipin kung saang cubicle pumunta ang nakatakong pero wala siyang nakita, walang laman lahat ng cubicle. Naisip na lang niya na baka yung multo ng school directress yun dahil lagi rin yun nakatakong.

Iba talaga ang thrill kapag nakakapanood o nakakapagbasa ng tungkol sa mga kababalaghan kahit saan kasi magpunta basta maalala mo lang ang napanood o nabasa sigurado magkakaroon ka ng goosebumps. Baka mai-release na ang book 27 hindi di ko pa rin tapos basahin ang book 26. Kapag feel ko na ulit takutin ang sarili ko babasahin ko na siya ulit. Hehehe!!!

Setyembre 28, 2009 Posted by | Lipat Blog | , , , , | Mga Puna

Pagtala ng Panaginip

Nung ako ay nasa college, isa sa mga paborito kong subjects ay ang Psychology kasi nakakatuwa ang mga dinidiscuss at interesting. May activity kami na ginawa sa Psychology subject namin. Ang i-record ang panaginip namin sa notebook.

Sabi kasi ang panaginip daw ay maaaring may hidden meaning na puwedeng para sa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap. Ang pinagawa sa amin, tuwing mananaginip ay kailangan tandaan ito at isulat agad sa notebook para hindi makalimutan. Kapag naitala na ang panaginip ay susubukan mo naman iinterpret ito sa pamamagitan ng mga impormasyon sa panaginip na maaaring may koneksyon sa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap. Halimabawa ay ang isa kong panaginip na gumagawa ako ng presentation sa laptop. Ang koneksyon lang na naiisip ko kaya nanaginip ako ng ganun ay dahil may presentation kami kinabukasan at bago ako matulog ay gumagawa ako ng powerpoint presentation na tadtad ng anime. Hehehe! Sinangayunan naman ako ng aming instructress ng ipasa ko sa kanya ang interpretasyon ko ng aking panaginip.

Ang mga tips na sinabi niya sa amin para maging matagumpay sa pagtala ng panaginip ay ang mga sumusunod:
1. Ilagay ang notebook at pen malapit sa hinihigan para kapag nagising ay maisulat agad ang napanaginipan. Importante ito dahil nga karamihan ng mga tao ay mabilis itong nakakalimutan pagkagising.
2. Bago matulog ay kailangang isipin mo na mananaginip ka at matatandaan mo ito. Effective ang paraan na ito kasi nasubukan ko na. Baka sa umpisa medyo sumablay at wala kang maalalang panaginip pero habang tumatagal ay araw-araw mo na itong magagawa.
3. Wag iinom ng gamot bago matulog kasi nakakaapekto daw ito sa brain waves. Buti na lang hindi sumasakit ang ulo ko ng time na yun kaya di ako napainom ng gamot.

Kung tama ang pagkaalala ko, may nabasa ako kung saan pero di ko maalala kung book o sa internet, na ang tao raw ay nananaginip ng average of 15 times sa isang araw. Kaso nga lang hindi ito naaalala kaya akala ng mga tao ay isa hanggang dalawang  beses lang sila nanaginip.

Nung nagka-interes ako sa paranormal, naghahanap ako sa internet ng ways kung paano mabuksan ang third eye o magkaroon ng sixth sense at isa sa mga nabasa kong exercises ay ang pag-record ng panaginip. Sayang pala, kung tinuloy ko lang yung pagrerecord ng panaginip ay baka malapit ko ng mabuksan ang third eye ko (parang si Hiei lang, joke). Tsk, tsk, tsk.

Setyembre 26, 2009 Posted by | Lipat Blog | , , , , | Mga Puna

Are you a Fullmetal Alchemist addict?

Fullmetal Alchemist

Yang picture sa itaas ay sina Edward Elric (Left) at Alphonse Elric (right).

Pinalabas na to dati kaso sa kalagitnaan ng story sa unang labas nito ay nagbago na ang story. Dito sa ikalawang release sinusundan na talaga nila ang story sa manga (japanese comics). As of this post ang latest released manga ay chapter 99. So far maganda pa rin ang story sa manga, di ka mabobored, fast paced at walang paligoy-ligoy. Mas maganda rin ang animation ngayon compared sa nauna.

Dahil isa ito sa mga kinahuhumalingan kong anime ngayon, naisip kong ilista ang mga senyales na isa ka ng adik sa Fullmetal Alchemist (kung pinapanood mo to?).

1. Lagi mong tinitignan ang mga sites na kung saan ka nag-dodownload kung meron ng bagong episode or manga kahit alam mo na Lunes ang pinaka maagang release ng subbed episodes at next month pa ang bagong release ng manga (once per month lang ang manga).

2. Pinapakinggan mo ang mga OSTs ng ED at OP.

3. Kabisado mo ang mga OSTs.

4. Bumibili ka ng mga items na ginagamit ng mga characters.

5. Bumili ka o nagpagawa ng costume para gamitin sa cosplay event o kaya naman gusto mo lang gamitin pang-tulog. Hehehe.

6. Kapag umattend ka sa isang cosplay event isa ka sa mga naka-costume na ginagaya ang characters sa Fullmetal Alchemist o kaya naman kung hindi ka naka costume, ang una mong hinahanap ay mga nag-cosplay ng characters sa Fullmetal.

7. Napapa-clap ka kahit walang dahilan.

8. Gusto mo magpalagay ng auto-mail (artificial limbs)

9. Gusto mo mag pa tattoo ng  Ouroboros symbol o kaya transmutation circle.

10. Gusto mo magsuot ng armor na kamukha ng kay Alphonse.

11. Nag reresearch ka ng tungkol sa alchemy, nagbabakasakaling magaya mo sila Ed.

12. Iniisip mong maging Atheist.

13. Binibigyan mo ng nickname ang mga kaibigan mo gaya ng pagbibigay ng Fuhrer ng nickname sa mga state alchemist.

14. Nag dradrawing ka ng mga symbols kung saan-saan parang transmutation circle (vandalism yan, sumbong kita sa MMDA).

Hanggang diyan na lang muna, pag may naisip pa ko lagay ko diyan. Hehe.

So are you a Fullmetal Alchemist addict?

Setyembre 23, 2009 Posted by | Shimatta! | Mga Puna

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.