AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Bagong Lipat

Kakalipat lang ng Tito ko sa Tita ko (magkapatid sila) kung saan ako tumitigil ngayon. Nag break na sila ng asawa niya sa hindi ko malamang kadahilanan dahil walang nagsasalita lalo na ang Tatay ko na puro ewan lang yata ang isasagot sakin. Ikalawang araw pa lang ngayon ng kanyang paglipat pero mayroon na akong mga napansin na magiging malaking pagbabago sa bahay.

1. Super aga ko na gumising pero mukang magiging mas maaga pa. Dati 4-4:30 am ang bangon ko pero kanina 3:30 am pa lang ginising na ako para maligo. Kapag naunahan kasi ako ng Tito at Tita ko, siguradong hindi ako makakaligo at kung hintayin ko sila, sigurado malalate ako sa office.

2. Naging parang gym ang bahay. May dalang gym equipments ang Tito ko. Hindi naman sila kasing lalaki ng sa totoong gym pero gym equipments pa rin yun. Gusto ko i-try gamitin pero nakakatamad, makikipaglaro na lang ako sa pet naming dog. Hehe.

3. Siguradong matatambakan ng gawain ang kasambahay namin dahil dadami ang kanyang labahin, plantsahin, lilinisin at aasikasuhin. Good luck sa kanya, baka mawalan na siya ng time magbasa ng pocketbook at mag cross-stitch.

4. Masaya na ulit ang refrigerator dahil dumami na ang kanyang laman. Dati ang mga baon ko lang ang laman nun at mga isda na binibili ng Tita ko pero ngayon puno na siya dahil andun na rin ang food ng Tito ko. Hindi ko chineck pero pang diet siguro ang mga pagkain niya dun.

5. Medyo magkakaroon ng buhay sa bahay. Ang exercise equipment kasi ni Tito ay nasa sala kaya maliwanag dun lagi ngayon. Dati-rati maaga pa lang madilim na ang bahay, baka pag-nagbukas ka ng ilaw e ka eye-to-eye mo na si Kayako ng The Grudge.

Kayako

6. Naging nakakatakot lalo ang kuwarto ko. Dahil sa kuwarto ni Tita matutulog si Tito kinailangan na alisin ang ibang mga kagamitan sa kuwarto ni Tita at siyempre ililipat yun sa kuwarto ko. Nakalagay ngayon sa kuwarto ko ang imahe, figurine or rebulto  (di ko alam tawag dun, miniature sculpture, a ewan) ng mga Santo at aparador (baka lumabas dito si Kayako, shit!!!!! buti na lang nakaharang ang kama). Hindi kasi ako naniniwala na imahe talaga ng mga Santo or something holy ang mga yun dahil inukit lang man yun ng kung sino-sino.

7. Mas dumami rin ang nakatambak na kahon at maleta sa kuwarto ko. Malamang pamamahayan yun ng mga ipis at daga. Ayoko sa ipis at daga baka kagatin nila ko habang natutulog.

8. May plano yata magdagdag ng dog ang Tito ko pero bahala na sila magtalo ni Tita tungkol dun dahil ayaw ni Tita. Bahala na rin sila magpabakuna sa susunod na dog dahil wala na akong budget sa pagpapabakuna.

Antok pa ko tulog muna ko. ZZZZZzzzzZZZZZZzzzzzZZZZZzzzzZZZzZZzz

Setyembre 14, 2009 - Posted by | Shimatta! | , , ,

Walang puna.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.