AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Benefits of an early bird, GONE!!!

Maaga ako pumapasok, minsan nga naaabutan ko pa ang MRT na kabubukas pa lang. May mga nakukuha naman akong benefits sa paggising ng maaga para pumasok. Ito ang mga yun:

1. “Makakaiwas ako sa traffic” – Around 4:30 – 5:30 AM ang inoras ko sa sarili ko para makaalis ng bahay. Starting around 5 AM kasi nagkakaroon na agad ng build-up sa dadaanan ng sasakyan ko papuntang Quezon Avenue kaya kung aalis ako ng 6 AM or mas late pa dun siguradong ang aabutan ko ay traffic na mahirap lusutan lalo na kung sa jeep ka nakasakay dahil isa sila sa cause ng traffic dahil tigil sila ng tigil kahit walang sumasakay.

2. “Hindi ako makikipag-siksikan sa MRT at posible pang makaupo” – Dumarating ako sa MRT aroung 5:00 – 6:15 AM, depende sa oras na umalis ako ng bahay. Mas late pa diyan kung jeep ang sasakyan (talagang pino-point out ko ang mga jeep, no offense to all jeepney drivers, totoo naman eh). Kung aalis ako ng 6 AM or lampas pa dun ng house siguradong di na ako makakaupo sa train at siksikan pa ang maaabutan ko.

3. “Di gaanong papawisan pag naglakad mula MRT to my workplace” – Pagkababa ng MRT 15-25 minutes na lakaran pa ang lalakbayin ko para makarating ng office. Ayokong sumakay dahil magastos at kailangan ko rin naman ng exercise dahil maghapon akong uupo. Pag na late ako siguradong pawisan ako ng husto pagdating ng office dahil sumikat na ng mataas ang araw.

4. “Extra time gumawa ng ibang bagay” – Kapag maaga ako makarating ng office puwede pa ako gumawa ng ibang bagay dahil di ko pa naman time mag work. Puwede akong mag-surf sa internet, check ng e-mails, mag-blog, manood, mag-download (mabilis ang internet pag umaga), matulog (kung inaantok pa), gawin ang mga nakabinbin na work (OT), kumain kung hindi nakapag-almusal, at marami pang iba.

Yung benefits ko na yan ay parang nabaliwala lang. Dahil sa nasakyan ko. Hindi ito jeep pero mas malala pa sa jeep. Dahil nga sobrang bagal ng mga jeep lagi na akong sumasakay ng FX tuwing umaga at sinisimulan ko na rin ang pagsakay ng FX tuwing pauwi (kahit na mas mahal ang bayad) kasi mas mabilis sila ng di hamak sa mga jeep. FX ang kinalakhan kong tawag sa kanila pero hindi naman lahat sila ay FX, iba-ibang brand ng sasakyan sila, gaya ng nasakyan ko.

Umalis ako ng bahay almost 5 AM na at suwerte ko pagpunta ko kung saan ako nag-aabang ng sasakyan ay meron ng FX. Eto naman ako sakay na agad. Meron din jeep sa likuran ng FX na papunta rin sa destinasyon ko. Bago pa lang makalabas ng subdivision ang FX ay nahalta ko na agad na ang bagal magpatakbo ng ****** driver na to. Kapag nasa biyahe ugali ko na ang tumingin sa relos ko kaya alam ko kung gaano katagal ang binabiyahe. Ang lintik na driver, hinto ng hinto para siyang driver ng jeep o mas masahol pa dahil mas mabilis magpatakbo ang jeepney driver sa kanya!!!! Kung sumakay ako dun sa jeep, malamang mas maaga ako makarating sa pupuntahan ko!!! 1-4 minutes ang duration kapag humihinto siya, yung ibang FX na nasasakyan ko tumitigil lang kapag may nakitang tumatawag na sasakay pero siya wala namang tumatawag hinto pa rin ng hinto at naghihintay pa!!! Kung saan dumadaan ang mga jeep doon din siya pati dinadaanan ng mga bus pinupuntahan din niya, ang mga bus pa naman kung maghintay ng pasahero ay malala pa sa jeep, kaya nandun kami, nakatirik sa likod ng bus iniintay na umandar yung bus!!! Gusto ko sana sabihin sa kanya:

  • kuya ang bagal mo magpatakbo daig mo pa ang mga jeep!!!!
  • wala namang sumasakay paandarin mo na nga!!!!
  • dati ka bang jeepney driver???
  • alam mo kuya, napaka talented mo!! super talented ka sa pag-spot ng mga pasaherong hindi sasakay!!!
  • tapon mo na tong sasakyan na to, palitan mo ng jeep!!!
  • alam mo bang 20-25 minutes lang ang duration ng biyahe ko papuntang Quezon Avenue pag FX!!! ngayon naging 50 minutes dahil sayo!!!
  • (insert all known and unknown foul words here)

Buti na lang at nakikinig ako ng “Daisuki na Kimi ni” na kanta ni Kazumasu Oda (talagang sinabi ko to, thank you sa kanta na to) na mayroong calming effect (totoo ito, try it) kaya di ko nasabi ang mga nabanggit ko sa itaas sa driver na yun (wala naman akong balak sabihin dahil ayoko ng iskandalo). Hehehe. Sana hindi mawala sa isipan ko ang itsura ng ********* na driver na yun at sasakyan niya para hindi nako makasakay dun ulit!

Setyembre 16, 2009 - Posted by | Shimatta!

Mga Puna »

  1. kakabwiset nga yung genyan pero mas kakabwiset mga taxi drayber na tumatangge sa pasahero. grrrr! yung iba me daya pa ang metro. tsk! tsk! :P

    Comment ni deejay | Setyembre 16, 2009 | Tugon

    • correct ka diyan. minsan nga lang ako mag taxi pero pag nalaman nilang malayo ayaw na. mga adik sila.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 16, 2009 | Tugon

  2. wow, usapang punctuality. ako, kahit mabilis ang nasasakyan, late pa rin. :D

    Comment ni narsmanang | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • baka lakad pagong ka. hahaha!

      Comment ni Akrebley | Setyembre 20, 2009 | Tugon

      • hindi kaya, hehe.. mabilis pa akong kumilos nun ah. late nga lang magsimulang kumilos. :P

        Comment ni narsmanang | Setyembre 21, 2009 | Tugon

        • hahaha. kaya pala e.

          Comment ni Akrebley | Setyembre 21, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.