AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Dreaming during Witching Hour (Devil’s hour)

Ayon sa paniniwala ng mga katoliko at kristiyano ang alas-tres daw ng umaga ay ang “Witching hour” or “Devil’s hour”. Sa oras daw na to malakas ang mga evil or demonic entities at maraming mga paranormal na nangyayari.

Maaga ako natulog kahapon. Before mag 10 PM ay tulog nako. Nanaginip ako na ako raw ay natutulog at nananaginip din pero masama ang panaginip ko dun. Kung ano man yung panaginip na yun e hindi ko na maalala at ayokong maalala. Sa panaginip ko ay nagising ako dahil sa bangungot pero kasabay ng pag-gising ko sa panaganip ay nagising din ako.

Mag-isa sa kuwarto. Madilim. Tulog pa silang lahat. Iba ang pakiramdam ko pagka-gising ko, para bang may kung sino na nanonood sakin. Tumingin ako sa bintana pero wala naman (likod ng bahay lang ang makikita pag sumilip dun at isang punong malaki ng kapitbahay). Tinignan ko ang oras sa cellphone na katabi lang ng unan ko. Around 3:10 – 3:20 AM nung nagising ako. Sabi ko sa sarili ko “SHIT, Witching hour ngayon”. Sa dinami-rami ng oras,  dito pa sa oras na ito ako nagising. Kinikilabutan na ako ng mga oras na yun. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko na mga nakakatakot na pangitain. Gustohin ko man tumingin sa talampakan ko o sa kaliwa o kanan ko ay hindi ko na magawa. Ayoko makakita ng kahit anong nakakatakot sa oras na yun (sa ibang oras siguro puwede, hehe). Dahil sa matakaw ako sa tulog ay nagawa ko pa rin makatulog.

Ang sunod na gising ko ay 4 AM na. Okay pasok na ulit…..

Si Kayako sumisilip

Kung sakaling ang babaeng ito ang nahuli ko na pinapanood ako habang natutulog (siya ang naiimagine ko na nanonood sakin sa mga oras na yun marahil dahil takot talaga ako sa kanya) malamang magpakamatay ako. Hahaha!!!

Setyembre 18, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , , , | Mga Puna

   

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.