AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Dreaming during Witching Hour (Devil’s hour)

Ayon sa paniniwala ng mga katoliko at kristiyano ang alas-tres daw ng umaga ay ang “Witching hour” or “Devil’s hour”. Sa oras daw na to malakas ang mga evil or demonic entities at maraming mga paranormal na nangyayari.

Maaga ako natulog kahapon. Before mag 10 PM ay tulog nako. Nanaginip ako na ako raw ay natutulog at nananaginip din pero masama ang panaginip ko dun. Kung ano man yung panaginip na yun e hindi ko na maalala at ayokong maalala. Sa panaginip ko ay nagising ako dahil sa bangungot pero kasabay ng pag-gising ko sa panaganip ay nagising din ako.

Mag-isa sa kuwarto. Madilim. Tulog pa silang lahat. Iba ang pakiramdam ko pagka-gising ko, para bang may kung sino na nanonood sakin. Tumingin ako sa bintana pero wala naman (likod ng bahay lang ang makikita pag sumilip dun at isang punong malaki ng kapitbahay). Tinignan ko ang oras sa cellphone na katabi lang ng unan ko. Around 3:10 – 3:20 AM nung nagising ako. Sabi ko sa sarili ko “SHIT, Witching hour ngayon”. Sa dinami-rami ng oras,  dito pa sa oras na ito ako nagising. Kinikilabutan na ako ng mga oras na yun. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko na mga nakakatakot na pangitain. Gustohin ko man tumingin sa talampakan ko o sa kaliwa o kanan ko ay hindi ko na magawa. Ayoko makakita ng kahit anong nakakatakot sa oras na yun (sa ibang oras siguro puwede, hehe). Dahil sa matakaw ako sa tulog ay nagawa ko pa rin makatulog.

Ang sunod na gising ko ay 4 AM na. Okay pasok na ulit…..

Si Kayako sumisilip

Kung sakaling ang babaeng ito ang nahuli ko na pinapanood ako habang natutulog (siya ang naiimagine ko na nanonood sakin sa mga oras na yun marahil dahil takot talaga ako sa kanya) malamang magpakamatay ako. Hahaha!!!

Setyembre 18, 2009 - Posted by | Shimatta! | , , , , , , ,

Mga Puna »

  1. wow, my first base.hehehe

    pero weird na panaginip mo ha. nanaginip ka ng nananaginip ka?

    Comment ni timangkey | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • first time ko nga managinip ng ganun e. weird talaga.

      congrats sa una mong first base. hehe.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • Pasabit timangkey ah sa base! hehehe!

      Comment ni Dorm Boy | Setyembre 18, 2009 | Tugon

  2. nakakatakot un pic. nawa’y wag ko xang mapanaginipan @_@

    Comment ni tsenn` | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • bagay ang avatar mo sa sinasabi mo. hahahaha.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 18, 2009 | Tugon

  3. nakakatakot naman yung girl walang kacheesy chessy sa expression!

    Natry ko na rin magising ng 3am grabe ang feeling ang bigat bigat ng pakiramdam…. deretso ako CR. Ok n ulit pakiramdam ko magaan na.

    Comment ni Dorm Boy | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • mukhang iba dahilan mo kaya ka nagising. hahaha.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 18, 2009 | Tugon

  4. nakakatakot naman yung pic. the grudge ba yan? okatokat, nakakapraning. :D

    Comment ni narsmanang | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • Si Kayako Saeki yan at correct ka, sa “The Grudge” nga yan.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 20, 2009 | Tugon

  5. hala! ngayon alam ko na yung devil’s hour…ito pa naman yung time na bumababa ako para umihi…haiz..

    bibili na ako bukas ng arinola ko..kakatakot kaya..
    *goosebumps*

    Comment ni mr. sleepyhead | Setyembre 18, 2009 | Tugon

    • nakakatakot talaga. usually naman kahit magising ako ng ganyang time ayos lang pero dahil dun sa panaginip, natakot tuloy ako.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 20, 2009 | Tugon

  6. salamat naman sa pag add sa akin sa blogroll mo…nakakatuwa talaga yung nag aad nalang ng links nang hindi na nagtatanong pa…salamat at dahil dun update ko nalang soon ang links ko rin,

    onthe topic: may mga kahulugan ang bawat panaginip…ewan ko lang ano yung sayu..aahhaa..baka wet dreams?lols

    Comment ni Maldito | Setyembre 19, 2009 | Tugon

    • wow, thanks. suki ako sa blog mo kaya nilagay ko na lang basta. hehehe. sensya na walang paalam-paalam. hehehe.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 20, 2009 | Tugon

  7. waaahhh.. naransan ko rin yan..

    at ayaw ko ng maranasan pa ulit.

    pero nangyayari sa akin yan, pag masyado akong stressed.

    pati panaginip ko stress. hehehe
    padaan..

    Comment ni shynyrd | Setyembre 19, 2009 | Tugon

    • kailangan sa susunod ang nangyayari sayo exciting para panaginip mo exciting na rin. hehehe.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 20, 2009 | Tugon

  8. katakot naman ng pic mo.. grabee
    pero totoo talga yan at alam ko nag-i-start yan ng mga 2am :)

    Comment ni akel | Setyembre 19, 2009 | Tugon

    • alam ko 12 pa lang nag start na. dahil yata sa moisture sa athmosphere something ang dahilan.

      Comment ni Akrebley | Setyembre 20, 2009 | Tugon

  9. naniniwala ako na yan ang tinatawag na devil’s hour…actually magkakasunod na 3a.m. nko nagigigising…di ko nga maipaliwanag kung bakit sa dinami-dami ng oras eh ung between 3a.m. pko nagigising….minsan nagising ako na may biglang kumalabog..pag-mulat ko ng mata ung display na kahon sa kusina nahulog mula sa mataas na lalagyan…3:14a.m. nun….pagkatapos biglang nag-ring ung telepono namin ng isang beses…actually kinakabahan nko nun pero ayoko magpatalo…sumunod na nangyari nagisiing na naman ako dahil may naulog na naman – plastic bottle ng pinag-gamitang vitamins…nahulog din mula sa mataas na lalagyan…3:33am naman un…minsan naman dahil sa pangyayaring bagyo ni ondoy, iniiwan ko nakabukas ang radyo sa sala…kung bakit nagising ako ng mga 3a.m. at ung pinapakinggan kong radyo eh malabo ang dating…antok pako nun…nilipat ko ung tuner at napatigil ako nung mailipat ko sa 666 na tuner kung saan maliwanag ang dating ng AM radio…marami pakong karanasan tuwing sumasapit ang 3a.m…..naguguluhan na nga ako eh..totoo etong mga nilagay ko dito..di ako nagbibiro..

    Comment ni theseusathens | Oktubre 7, 2009 | Tugon

    • natakot naman ako sa mga kinuwento mo *goosebumps*.

      naku, pray lang ng pray.buti hindi pa ganyan katindi yung mga nararanasan ko.

      ingat lagi. salamat sa pag bisita.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 7, 2009 | Tugon

      • walang anuman…gusto ko lang i-share ung experience ko…kahit ako tinataasan ng balahibo eh…even right now as i’m typing this message hehehe…

        Comment ni theseusathens | Oktubre 8, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.