Kapareho ng Interes
Dahil sa last kong post napahanap tuloy ako ng ibang kanta at nahanap ko ang video na nasa itaas. Sa video kasi na yan, ang mga kumakanta ay hindi ang original singers (singers tuloy ang nasabi ko, ang dami kasing boses. si Wada Kouji ang original na kumanta niyan) ng “Butter-fly” kundi magkakabarkada lang siguro (halata naman sa pagkaka-record, ang dami nila).
Sa mga kaibigan ko ako lang pinakamahilig sa anime. Gusto nila ng anime pero not to the point na kakanta sila ng OSTs ng mga ito. Ako kasi kinakanta ko pati mga OSTs dala ng kaadikan ko dito. Hindi ko naman kinakanta ang mga J-Pop dahil sa anime fan lang ako, gusto ko talaga ang mga kanta nila kahit di ko naiintindihan sa umpisa (hahanap ng translation).
Medyo nakakalungkot lang kasi, wala naman akong kaibigan na kapareho ko ng interes para maka-jamming kagaya ng mga adik na kumakanta sa video na yan. Naiisip ko tuloy na ang sarap ng pakiramdam kapag meron kang ka-close na kapareho mo ng interes. Habang pinapanood ko nga ang video na yan ay kinikilabutan ako, para kasing nararamdaman ko kahit papaano ang saya ng pagsasamahan nila. Haaayyy…………….. (lonely-mode)
love ko anime. jdorama, korean films.. basta asian..
sa hunter x hunter lang yata yung kinuha kong kanta na kinabisado ko.. peo ayun.. nawala yung cd..
ngayon medyo bored ako manood, o ala lang ako time…
tara nood tayo anime.. hehehe
di
Alam ko kung ano ang kinabisado mo. Yung unang opening ng HXH, yung “Ohayou”. Kinabisado ko rin kasi yun at yung 2nd OP song, yung “The Sun Also Shines at Night”.
may classmate ako nung elementary na adik din sa anime. kabisado niya yung mga OST ng anime na sikat nung time na yun. ewan ko lang kung adik pa rin yun sa anime. naalala ko nun nagbaband-aid pa siya sa mukha kahit walang sugat para gayahin si recca. meron din siyang benda at laging naka-cap na pabaliktad. hehe..
Cosplayer ang classmate mo. Wala pa ako sa point na mag cosplay pero malapit na. Hehehe.
yun ba yung nanggagaya ka ng get-up ng anime? nice nice. nakakita na ako ng ganun sa megamall dati. gusto ko sana magpapicture pero wala akong dalang camera. hehe… if ever sino gagayahin mo? hmn.
Si Shino sa Naruto Shippuuden.
nako, nosebleed hindi ko siya kilala, si gaara lang at naruto kilala ko. wahaha…
Siya yung may mga insects as weapon.
naalala ko, pati pala yung ka-work ko ngayon adik sa mga animes pero hindi tulad ng trip mong anime. gusto niya yung magic ray earth (tama ba spelling?, sailor moon. gusto rin niya yung mga video games tulad ng mortal kombat at street fighter. alam din niya yung mga OSTs ng mga yan. pinaparinig pa nga niya sa akin. adik lang.
Napanood ko na rin yang mga nabanggit mo. Shoujo animes ang gusto niya. Mapa shoujo or shounen kasi pinapanood ko.
wah, another nosebleed. dapat atang maglesson ako sa anime para makarelate.^^
Gusto ko rin ng mga anime Soundtrack pero di ko rin nakakanta ng tama so sa melody na lang ako naiinganyo!
Catchy kasi ang melody ng mga kanta. tapos hinihntay ko n lang minsan ung english line na ang ikli ikli sa mid chorus na! Nice interest you have. Im sure me makikita ka ring makikijam sa iyo sa pagkanta!!!
http://dormboy.wordpress.com
Yung lyrics kasi kinukuha ko kaya nasasabayan ko yung kanta. Sana nga may maging kaibigan akong kapareho ko ng interes sa ganito. Thanks.
group hug sa lahat ng andito!
group hug!
kahit di ko gusto ang mga anime, gusto ko ang soundtrack ng voltes 5.
Nagkaka last song syndrome ako pag naririnig ko yang Voltes 5. Gazillion times ko na kasi siya napakinggan.
ako mapili ako sa anime. mas mababaw mas gusto ko, para mas madaling gilingin sa utak. hehe.
woi kamusta! hehe parang antagal kong di nadaan dito.. wahaha keep safe
oo nga, dalaw ka ulit pag may time. sana safw ka rin sa bagyo.
may recommend ako sayo na anime. ang pamagat ay “Baccano”.
Pasensiya na at ang pinaka gusto ko lang talaga ay ang sa Voltes V. Pero ayos na din yung sa Daimos at Mazinger Z.
Makakahanap ka din ng kaparehong interest mo. Malamang may mga anime forum na maari kang masalihan.
sadyang ganyan talaga, kanya-kanya ng trip lang. habang wala pa, mag-sosolo muna ako. tiyaka nako bubuo ng group, joke.
thanks sa pagbisita.