AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Bagong Babasahin

Nagsimula nanaman ako sa pagbabasa. Hinalungkat ko ang mga naka-tambak kong libro kasama na ang dalawang librong blinog ko. Type ko nanaman manakot ng sarili kaya tantananan (basa-mode).

Galing ako sa SM Fairview kanina para bumili ng mga personal na gamit para sa aking hygiene ng maisipan kong hanapin ang book 27 ng TPGS. Napapunta tuloy ako sa National Bookstore.

TPGS Book 27 and Marley & MeUna ko talagang hinanap ang book 27 (kanina lang binabasa ko pa ang book 26). Akalain mo nga naman at meron na palang book 27. Di ko inaasahan na meron ng bago dahil ilang buwan din inaabot bago mag release ng panibago (nagco-compile pa sila ng mga stories). Pagpunta ko sa shelf kung saan nandun ang mga TPGS books, kakaunti na lang ang natitirang book 27 (maraming mga adik ang bumibili nito para takutin din ang sarili nila at  muntik na nila ako maubusan). Wala to sa budget.

Marley & Me Novel

Dahil sa hindi pa ako nakaka-move on sa movie na “Marley & Me”, binili ko na rin ang novel nito sa panulat ni John Grogan. Totoong pangyayari ang nasasaad sa nobela na ito at inspirational pa, pramis. Siguradong magugustuhan ng mga dog lovers at mga hindi dog lovers (cat lovers?). Mas gusto ko yung detailed na mga pangyayari kaya ayan tuloy napabili. Sigurado pinaikli nila ang story sa movie kaya basahin ko na lang yung mga linaktawan nila. Sa bagay, kung buong novel kasi ang ilalagay nila baka naging series na yun sa telebisyon sa haba.

Plano ko silang tapusin basahin sa susunod na weekend. Sana walang ibang gagawin para matapos ko, kung hindi madadagdag ang dalawang ito sa iba pang libro na binili ko, na hanggang ngayon ay di ko pa tapos basahin.

Oktubre 4, 2009 - Posted by | Shimatta! | , , , , , ,

Mga Puna »

  1. parang adik ka sa marley and me, pansin ko lang ah. got feel. hinala lang. hehe. ^^

    Comment ni narsmanang | Oktubre 4, 2009 | Tugon

  2. di naman masyado manang nars.. hehehe. makaka-move on din ako diyan. wait mo lang. hehehe..

    Comment ni Akrebley | Oktubre 4, 2009 | Tugon

    • sige, sige. hihintayin ko ang araw na iyon, notify mo ako, haha… *hindi ko pa rin siya napapanuod eh, kaya hindi ako masyado makarelate*

      Comment ni narsmanang | Oktubre 4, 2009 | Tugon

    • sige, sige. sasabihan kita using telepathy. hehehe.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 5, 2009 | Tugon

  3. hehehe magkakasundo kayo ng tatay ko. mahilig din sa tpgs…

    Comment ni Fr. Felmar Castrodes | Oktubre 4, 2009 | Tugon

  4. babarkadahin ko ang tatay mo Father.

    Comment ni Akrebley | Oktubre 4, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.