AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Fastfood Customers?

Kapag may extra money kumakain ako sa labas. Usually sa fastfood or food court lang ng mga malls.

Kamakailan lang ako ay naka depressed-mode kaya kumain ako mag-isa sa labas. Sa KFC ako pumunta, medyo matagal na kasi ako hindi kumakain dun. Ang inorder ko ay yung kung anong imperial ang name (di ko maalala). Dahil nga I’m in a not so good mood ang bagal ko kumain (rarely happens). Dahil dito matagal ako nakaupo sa KFC. Ginawa ko na lang habang kumakain ay pinapanood ko ang mga tao sa paligid. May napansin ako. May mga pumapasok ng fastfood para magkuwentuhan or tumambay.

May nakita kasi akong babae at lalake na umupo sa table kaharap ng table kung saan ako nandun (tawagin na lang natin silang A) at isang babae na nasa table sa left ko naman (eto naman si B). Sa tagal ko kumain at panonood sa mga customers ay napansin ko na hindi naman umoorder sila A at B. Sila A ay nagkukuwentuhan at si B ay nagtetext. After 10 minutes (inorasan ko talaga) ay umalis na si B at ilang minutes pa ay sila A naman. Akalain mo yun, ang iniisip ko kasi ay may kasama silang nakapila at umoorder na ayun pala pumunta lang sila dun para magkuwentuhan at magtetext.

Di ko naman sinasabing bawal yun, sino ba naman ako, pero diba kapag pupunta ka sa fastfood dapat kakain ka dun dahil kainan yun, hindi naman yun tambayan. Around 7 PM pa naman yun kaya may iba pang customers na uupo para kumain.

Last Sunday naman, dahil medyo depressed-mode nanaman ay nagtagal muna ako sa mall. Pumunta ako sa French Baker para kumain. Napansin ko agad na may nakalagay na sign sa ibabaw ng ibang mesa. Hindi ko ito binasa nung una kaya ang akala ko for customers with reservation ang tables na merong mga signs.

Umorder ako ng Lasagna at Iced Tea (ganito ba talaga kapag depressed, kain ng kain?). Dahil wala ng mesa na para sa isang tao lang, umupo ako sa mesa na pang-apat katao. Habang inaantay ko ang inorder ko ay binasa ko ang nakalagay na sign sa mesa. Ang sabi dun ay for French Baker customers only ang seats at tables. Dumating na ang food ko at nagsimula na akong kumain. May dumating na dalawang babae (magnanay ata) na may dalang baby. Umupo sila sa table kung saan ako nandun. Di man lang sila nag-excuse kung puwede maki-share dun sa table. Pero binalewala ko lang naman yun, total naman pang-apat katao yun.

Habang kumakain ay napatingin ako sa mag-nanay. Kumakain sila ng Pizza Hut sa French Baker! Di ba nila nabasa yung sign? Malaki naman yung sign. Di na nga nag-excuse, binalewala pa yung message sa sign. Tingin ko kasi kaya hindi sila nag-excuse ay para isipin ng kung sino man sa French Baker na kasama ko sila para ayos lang na kumain sila nun dun dahil yung kunyaring kasama nila (ako) ay umorder naman. Buti na lang at patapos na ako kumain kaya alis na ako agad. Baka masita sila madamay pa ko.

Oktubre 6, 2009 - Ipinaskil ni Akrebley | Shimatta! | , , , , | Mga Puna

Mga Puna »

  1. base na naman!

    ako din ayokong ayoko yung mga ganyang tao…di naman dun kakain pero ookupa pa ng mesa at magtatagal pa ha. samantalang ikaw na lehitimong kakain dun, di makahanap ng makakainan at mauupuan.

    and yes, talagang pag depressed, kain ng kain! yun lang nga, ako kahit di depressed, kain ng kain. nyahaha!

    Comment ni kaye | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • wow congrats ate kaye!

      oo nga, yung personnel nung fastfood mahihiya naman sabihan ang mga yun dahil customer nga sila. tsk, tsk, tsk. checkmate.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 6, 2009 | Tugon

  2. Ay paktay guilty ako dyan sa French Baker! Wahhaa. Ginagawa naming tambayan ng mga kabarkada ko yan nung highschool, dakilang tagpuan na nga namin yan eh. Pero minsan pag tinatamaan naman kame ng hiya eh bumibili kame ng isang brownie(s). Yun ay pag tinatamaan kame ng hiya. Hehe.

    Comment ni vajarl | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • Ahahahaha!! Pasaway ka pala talaga! Ate Kaye, eto si Vajarl isa sa mga nang-uubos ng upuan. Pagalitan na yan.

      Nagbagong buhay ka na ba? Magsisi ka na right this instant! Hehehe! Joke!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • aba’t! ikaw talaga vajarl! *pingot sa tenga ni vajarl*

      nyahahaha! sige na, papayagan kita tutal friends tayo. hehehe

      Comment ni kaye | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • Yan kaw kasi (parang bata lang). Hahahaha!

      Wag mo na kunsintihin yan ate Kaye, bad yan.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • Hehehe. Bumibili naman kame MINSAN. Hahaha. *grins*

      Comment ni Vajarl | Oktubre 6, 2009 | Tugon

      • ay ayun naman pala, bumibili rin kahit MINSAN. sige, pwede na, abswelto ka na. nyahahahaha!

        *palo sa pwet si vajarl*

        Comment ni kaye | Oktubre 7, 2009 | Tugon

  3. naging barista ang isa sa mga kapatid ko dati sa starbucks coffee at ang patakaran nila sa store, basta nakaupo ang customer, hindi maaring paalisin kahit ang gawi nila ay umupo lamang.

    i think it’s quite unfair to the food place if one won’t order anything to eat/drink. much more to eat something that isn’t from their menu. i haven’t done that and have no plans of doing so as i try to keep my manners intact.

    Comment ni docgelo | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • Ako rin Doc, never ko gagawin yan. Parang pambabastos kasi ang ganyang gawain.

      Thanks sa pagbisita DocGelo!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 6, 2009 | Tugon

    • hehe. salamat sa info, doc. ehehe. now i can go to any starbucks outlet and just while away my time. hehe joke lang.

      kahit ako di ko kaya gawin yung uupo o papalipas lang ng oras nang di naman kakain o bibili sa isang store, lalo sa mga kalibre ng starbucks or seattle’s best or whatever sosyal na cafe. people invest money on their products tas wala sila mauupuan kasi may umupo sa mga upuan na di naman customer. oh well. but still, there are so many unscrupulous, kapalmuks people out there.

      Comment ni kaye | Oktubre 6, 2009 | Tugon

  4. tama, tama. dapat tumambay sila sa tamang tambayan.^^

    Comment ni narsmanang | Oktubre 7, 2009 | Tugon

    • saan ba tamang tumambay, manang? hehehe!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 7, 2009 | Tugon

      • sa tamang tambayan. basta dyan dyan lang^^

        Comment ni narsmanang | Oktubre 9, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng puna