AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Sapatos

Mahal ang sapatos, lalo na kapag pang-lalake. Nung bata pa ako madalang ako mabilan ng sapatos dahil mahal talaga, kahit na pangbata pa ang shoes. Kung meron mang mura ay mabilis masira. Kaya ang madalas na nangyayari noon ay iisa lang ang sapatos ko at hihintayin ko pa na masira yun bago ako bumili ng panibago (ganun pa rin naman hanggang ngayon, walang nagbago).

Maraming bagay ang kailangan isa-alang-alang bago gumastos para sa sapatos dahil sa kamahalan nito. Eto ang ilan sa mga yun:

  1. Salary- kaya ba ng salary mo ang pang-gastos? Merong mga sapatos na puwedeng bayaran in a monthly basis pero nangangailangan ito ng credit card. Dahil iaawas ito sa iyong salary kada buwan, madadamay ang iba mo pang gastusin dahil mahahati ang salary mo.  Hindi ako gumagamit ng credit card dahil ayokong magka-utang kaya kailangan mag-ipon para makabili pero pag meron namang ipon ay magdadalawang isip dahil sasabihin ng konsensya na puwede pang ilaan yun sa ibang bagay na mas mahalaga.
  2. Mga Bayarin – ito ang isa sa mga critical na dapat isa-alang-alang dahil unstable ito. Tubig, kuryente, pagkain, pamasahe,  mga ginagamit sa araw-araw (sabon, shampoo, toothpaste, etc.), at kung anu-ano pa. Puwedeng tumaas ang gastusin mo dito ng biglaan, puwede rin naman bumaba pero dapat sure na may nakalaan para dito.
  3. Emergency – paano na lang kung magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na nangangailangan ng pera!? Katulad na lang ng nangyari sa karamihan ng ating kababayan dahil kay Ondoy. Kailangan ng pera para makabangon ulit kapag may ganitong mga pangyayari. Madalas itong binabalewala ng mga tao (parang may kilala akong ganun, si ako yata yun).
  4. Future Plans – ako plano ko magkabahay kaya nag-iipon ako para dun. Isa ito sa mga pina-pangarap ko na gusto ko matupad as soon as possible kaya todo tipid. Sa iba maaaring ito ay kotse, vacation trip, kasal, at iba pa. Ang mga taong binalewala si #3 ay dito umaasa sa panahon ng emergency (diba Arnold Clavio).

Kung matatag ka talaga hindi ka gagastos imbes na lang sa mga pagkakataong hindi ka nakakapag-isip ng maigi at napapabili na lang bigla (medyo guilty ako dito, hehehe). Sinabi ko talaga yan para may alibi, hehehe!

Dahil sa medyo masakit sa ulo ang pinagsasasabi ko sa itaas, eto naman ang mga dapat tandaan kung kailan puwede ka na bumili:

  1. SALE – nakalagay to sa #1 dahil ito ang best reason para gumasta (kalaban mo pa rin ang konsensya mo dito, parang sa Safeguard. Kung wala ka naman nun sige-sige lang, hahaha *evil*).
  2. Budget -  kapag tapos na magbayad ng mga dapat bayaran at may nakalaan naman para sa emergencies (na madalas wala) at may extra kang naitatabi, ano pa bang ginagawa mo, SAKAY NA! (Superferry) *mali pala* BILI NA!

O ha, dalawa lang. Hehehe! Yan lang kasi naisip ko na dahilan para tumigil na ang konsensiya ko sa kaka-konsensiya sakin (redundant na ako masyado). Bakit nga ba niya ako kino-konsensiya!?

Ganito yun. Sira na kasi ang aking rubber shoes. Simula nung gamitin ko siya nung ako ay namundok ay parang umikli ang kanyang life span. Sa totoo niyan ilang months na siyang naka-tenga at naghihintay maayos pero kahit ipaayos ko pa siya di na rin maitatago ang mga damage niya. Ibig-sabihin ilang buwan na akong walang nagagamit na pang-alis na sapatos. Since may sandals ako, yun ang ginagamit ko pero hindi ito puwede sa lahat ng lakad ko (mabilis ring nabawasan ang life span nito dahil pinang-akyat ko rin siya ng bundok pero ok pa naman siya ngayon). Kina-kailangan ko na talaga bumili ng shoes kaya since ang pagkakataon na ang lumapit ay sinamantala ko na.

Merong Bazaar ngayon sa building namin ang Fila at 60% OFF ang mga sapatos nila! Pumunta ako dun at tumingin ng mga murang sapatos. May nakita nako pero mas mahal ito sa gusto kong price, nag-isip ako at ginulo ng konsensiya ko. After 2 seconds nag decide na akong bilhin yun. Since pumasa naman ako sa pinagsasabi ko sa itaas kaya binili ko na. At eto na ang resulta ng aking konting naipon.

My New Shoes

Iiwasan ko na munang umakyat ng bundok para hindi siya magaya sa iba kong foot wear na umiksi ang life span.

Oktubre 7, 2009 - Posted by | Shimatta! | , , , , , , , ,

Mga Puna »

  1. wow ang ganda naman ng bagong shoes mo, sarap apakan… hehehe

    ang pinakamagandang alibi dyan ay “nagtrabaho ka naman ng mabuti e kaya deserving ka i-treat ang sarili mo”

    Comment ni akel | Oktubre 7, 2009 | Tugon

    • naisip ko yan bago ko isulat ang post ko na yan, pero nakalimutan ko ilagay. buti naalala mo. hehehe.

      oo nga, sa tagal ko nagtatrabaho halos wala naman ako napundar para sa sarili ko. kung meron man, mabibilang lang sa daliri (di kasama ang daliri sa paa).

      Comment ni Akrebley | Oktubre 7, 2009 | Tugon

  2. KUNGRASTS! Ayus mehn. Haha. Naghihingalo na ren ang sapatos ko na halos 5 months palang saken. Hindi kakayanin ng salary ko ang bagong sapatos kaya tyaga tyaga mode muna. Hehe.

    Sabi ng aking kunsensya, wag daw ako kain ng kain para makatipid. Pero imposible ata yon. Shaddup kunsensya.

    Comment ni Vajarl | Oktubre 8, 2009 | Tugon

    • ano ba dapat gawin sa konsensiya na yan? nakakainis na siya minsan! hehehe.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 8, 2009 | Tugon

    • ang masasabi ko lang, vajarl, wag tipirin ang sarili basta pagkain ang usapan. nyahahaha! ang sarap kaya kumain no!

      Comment ni kaye | Oktubre 9, 2009 | Tugon

  3. gusto ko rin ng rubber shoes, since pumasok ako ng college hindi na ako nagkarubbershoes, sneakers kasi binibili ko. gusto ko ng running shoes kasi gusto naming sumali sa marathon at gusto ko ng hiking shoes kasi gusto naming mamundok. (wish wish wish^^). buti ka pa nakabili, hehe..

    Comment ni narsmanang | Oktubre 9, 2009 | Tugon

    • Manang Nars, bili ka na kasi. Kayang kaya ng salary mo yan. Hehehe.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 9, 2009 | Tugon

      • ay sana… hehe.. bagong sneakers nga hindi ako makabili, hehe^^

        Comment ni narsmanang | Oktubre 9, 2009 | Tugon

  4. huwaw! ang ganda naman ng shoeseses!

    60% off na pala, e malamang napingot kita pag di mo pa binili. di ka naman palagi makakakita ng ganyang deal eh lalo at maganda ang shoes.

    so ang masasabi ko lang, KONGGGRACHULEYSHENSSS!

    Pero natutuwa ako sa mga inenumerate mo sa taas. you have a good grasp of financial planning. ang di lang natin naisasama palaging mga pinoy sa financial planning natin ay ang insurance. sa ibang bansa ito kasi ang number one. pero dito, unless magkaron ng pangangailangan like fire or flood (house or non life insurance), o anak na magkokolehiyo (educational plan), retirement, etc. e di natin maiisip yung kahalagahan ng insurance. isama pa ang life insurance na laging naisasantabi… nung mas bata ako, akala ko pag pinagusapan ang insurance, ibig sabihin mamamatay ka na. yun pala, hindi kaya nung nagsimula akong magwork kahit maliit pa ang kita ko, I got a life insurance para kung ano man mangyari saken, me maiiwan ako. :-)

    Comment ni kaye | Oktubre 9, 2009 | Tugon

    • Plano ko rin magkaroon ng insurance pero hindi ko pa kayang makaltasan sa sahod kaya next time na lang pag mas mataas na ang sahod (tataas pa kaya?). Basta ganun. Hehehe.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 9, 2009 | Tugon

  5. aba, ang gand ng bagong sapatos mo akrebley!

    sarap binyagan!!!

    hmmmm…kailan ba ako huling nagsuot ng rubber shoes….

    (isip…isip)

    hala, 2006 pa yata un…di kasi ako nahihilig sa rubber shoes eh. lagi formal shoes ako. di rin ako nagbu-blue jeans…lagi black slacks or khaki…

    Comment ni Fr. Felmar Castrodes | Oktubre 9, 2009 | Tugon

    • formal na formal ka pala lagi Father. puro sosyalang events yata pinupuntahan mo. hehehe.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 9, 2009 | Tugon

  6. ang cute nmn ng manga sapats

    Comment ni jhvell | Hunyo 29, 2011 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.