AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Gulo sa Escalator

Escalator 1

Escalator 2

Ang pangyayaring nakikita niyo sa kuhang nasa itaas ay nangyari sa SM Fairview. Habang kumakain kami ng mga pinsan ko sa Yellow Cab ay biglang nagkaroon ng sigawan sa labas.

Naghahalungkat ako ng pictures sa computer ko ng makita ko to. Nangayari ito nung nakaraang taon. May mall show kasi ang isang show  ng GMA 7 (di ko na maalala kung anong show) kaya ang mga tao ay nagkakagulo (mga adik).

Noon lang kami nakakita ng ganun kaya naman kinuhanan namin agad ng picture. Ang mga tao, lalo na ang mga babae ay sumasakay sa escalator na papataas pero dun din sila sa escalator na yun pilit bumababa. Siyempre walang katapusan na babaan yan. Ginagawa nila ito dahil hindi nila makita ang mga artista dahil sa kapal ng tao, kailangan nasa mas mataas sila at yun ang naging silbi ng escalator.

Nagsimula na ang stampede sa escalator ng may iba pang gusto umakyat at bumaba ng escalator. Ang mga sumunod na pangyayari ay ang nakikita na ninyo sa taas. Usually may mga security guards na humaharang o nagbabawal sa mga tao para gawin ang mga kaadikan na ganyan pero wala sila. Malamang nakisali na rin sila sa mga nagkakagulo.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nila ng mga sandaling yun kaya nila nagawa ang mga ganoong bagay. Kahit nagkakasakitan na kasi sila ay sige pa rin sila sa pag sakay dun sa escalator. Ang tanging nagawa na lang namin ng mga pinsan ko ay ang tumawa ng tumawa dahil sa mga hiyawan at kaadikan na nangyayari.

Kahit ganoon ang nangyari sa mga biktima o biniktima ang sarili ay makikita naman na masayang masaya sila habang nahuhulog at nagkatumbahan na sa escalator na lalong nakakatawa.

Oktubre 17, 2009 - Posted by | Shimatta! | , , , , , , , ,

Mga Puna »

  1. Tambay din ako ng SM Fairview. Nako baka nakita na pala kita ng di ko namalayan. Haha.

    Rakenrol naman ang stampede escalator version nila eh. In fairness masaya nga yan panuorin, lalo na pag may kasama kang palihim silang pinagtatawanan. Haha

    Comment ni Vajarl | Oktubre 17, 2009 | Tugon

    • Walang lihim lihim samin, malakas ang tawa namin nung time na yun. Hahahaha!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 17, 2009 | Tugon

      • Ay, bastusan? Hahaha :)

        Pero infairygodmother kung ako yung nandon malamang halakhak ako. Haha.

        Comment ni Vajarl | Oktubre 17, 2009 | Tugon

      • Di naman siguro kami naging bastos, hehehe! (slight lang)

        Baka pag nakita nila kami tumatawa ay matawa na rin sila kapag naisip nila kung bakit.

        Hindi naman nila kami napansin kasi busy sila sa escalator, di na nila alam paano makaka survive. Hahahaha!

        Comment ni Akrebley | Oktubre 17, 2009 | Tugon

  2. naalala ko nung grade 2 ata ako nun, may autograph signing si regine velasquez sa isang mall (hindi ko na maalala kung saan), para makita siya, umakyat kami ng escalator ng kuya ko at bumababa din. gusto ko lang makita si regine kahit konti kaya ko ginawa yun, pero minus yung nagkakagulong fans kasi wala namang masyadong tao nun. hehe.. wala lang.

    ayus pic mo ah, may mga nakangiti pa din kahit may stampede na, pinoy eh. ^^

    Comment ni narsmanang | Oktubre 17, 2009 | Tugon

    • Ok lang yata sa kanila masaktan. Hahahaha!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 18, 2009 | Tugon

      • basta para sa idol, wahaha

        Comment ni narsmanang | Oktubre 20, 2009 | Tugon

  3. ang gulo nga…

    Comment ni Totomel | Oktubre 18, 2009 | Tugon

    • Magulo talaga, ilang beses nag-tumbling ang mga nandiyan sa escalator makita lang ang mga idol nila.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 19, 2009 | Tugon

  4. ang jologs! wahahaha! i won’t be caught dead in those mall shows. yuck! *habang nakapila sa wowowee studio entrance* :P

    Comment ni deejay | Oktubre 19, 2009 | Tugon

    • Bwahahaha! Naku buti hindi ka sa Ultra pumila! Malala ang nangyaring stampede dun!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 19, 2009 | Tugon

  5. Grabe naman yun. Parang artista lang eh. Haha. Badtrip. Yan ang ayaw ko sa mga average Filipinos. Shallow at unreasonable.

    Comment ni Aina ♥ | Oktubre 19, 2009 | Tugon

    • Uy above average si Aina. Pa Pizza ka naman! PIZZA PIZZA PIZZA! Hehehe!

      Comment ni Akrebley | Oktubre 19, 2009 | Tugon

  6. sa sm fairview pala nangyari yun?…kelan?…malapit lang kami sa sm fairview ah…sa maligaya lang kami nakatira….
    gma 7 ang nag show?…ano kaya yun?…

    salamat sa puna mo sa mga stud ko sa katekismo ha ….
    bakit wala sa malimit mong pindutin si padre fiel?…nag 100pts ka dun sa base kontes nya ha galeeng mo pati txt base 1st pa rin…. :-)

    Comment ni lhen | Oktubre 21, 2009 | Tugon

    • Nung isang taon pa nangyari yan, di ko na maalala kung anong show e. May nakita akong post mo nung relaunching ng food court. Andun din ako nun e, siguro isa ka dun sa mga madre na kumakain dun. Hehehe. Baka nakita na kita.

      Yung mga malimit pindutin ng mga pumupunta kasi dito sa blog ko ang nakalagay diyan, kapag ang mismong may ari ng blog ang pumindot ay hindi na counted.

      Comment ni Akrebley | Oktubre 21, 2009 | Tugon

      • talaga?.. nandun ka rin?… ndi pa ako madre :-)
        taga maligaya ka lang ba?..

        Comment ni lhen | Oktubre 21, 2009 | Tugon

        • Sa Lagro Subdivision lang ako. Alin ba mas malapit? Di ko alam yung Maligaya kung san yun eh. Hehehe.

          Comment ni Akrebley | Oktubre 21, 2009 | Tugon

          • malapit lang ang maligay sa SM sa tapat lang mismo ng SM at tabi lang kami ng robinson yung may mga sakayang tricycle dun…kita mo ba yung sakayan dun?…dun mismo maligaya ang way ng mga tricycle… :-)

            Comment ni lhen | Oktubre 22, 2009 | Tugon

            • Lakwatsa to the max ka pala anytime, hehehe. Oo nakikita ko yung mga tricycle sa Robinsons pero di pako nakapasok sa mall na yan.

              Comment ni Akrebley | Oktubre 22, 2009 | Tugon


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.