Bakemonogatari












Natapos ko na panoorin ang anime na nasa itaas kahapon. Ang pamagat ay Bakemonogatari. Kung madalas kayo manood ng anime na japanese dubbed ay marahil lagi niyong naririnig ang word na bakemono na ang ibig sabihin ay halimaw o monster sa ingles at ang word na monogatari na ang ibig sabihin naman ay kuwento o story sa ingles. Kung isasalin sa ingles ang pamagat ay Monster Story o Monster Stories. Isa itong nobela na isinulat ni Nisio Isin.
Ang istorya nito ay umiikot sa isang 3rd year high school student na nagngangalang Araragi Koyomi. Isang gabi ay inatake siya ng bampira at dahil sa siya ay nakaligtas ay naging bampira rin siya pero naibalik sa pagiging tao sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Oshino Meme. Kahit na naging tao na siyang muli taglay pa rin niya ang kapangyarihan ng isang bampira pero 10% na lang. Habang patuloy siya sa kanyang buhay ay nakakakilala siya ng mga taong may mga problema sa mga oddities (eto ang term nila imbes na paranormal entities) at kanya silang tinutulungan. Kaya imbes na matahimik na siya ay patuloy pa rin siyang napapasama sa mga gulo na may kinalaman sa mga oddities katulad na mga multo, mga diyos, mga demonyo, at iba pang nilalang.
Kung ako ang tatanungin, napakaganda ng pagkakagawa ng anime na to. Puno ng details at magaganda ang mga characters pati na rin ng mga lugar, superb ang animation. Matindi rin ang mga action scenes kaso nga lang masyadong madugo pero meron namang ibang anime na mas madugo dito e, hehe. Kahit sa mga eksena na walang fighting scenes ay hindi ka mabo-bored dahil kakaiba mag-usap ang mga characters dito, makikita mo rin sa pag-uusap nila ang uniqueness ng bawat isa. Hitik sa linya ang mga characters kaya siguradong maraming maqu-quote. Medyo may pagka-psychological din ang anime na to dahil na rin sa mga karanasan ng mga characters na siguradong makaka-relate ang mga manonood. Nagustuhan ko rin ang opening at ending themes, ayos ang beat medyo nakaka-relax at maganda ang mga meaning at higit sa lahat madali kasi sabayan kaso nakakaubos ng hininga minsan. Ang pamagat ng opening ay Staple Stable na kinanta ni Chiwa Saito at ang ending naman ay Kimi no Shiranai Monogatari na kinanta ng Supercell.
Kung meron man sa inyong manonood nito at may kasama kayong bata ay siguraduhin niyo na takpan ang kanilang mata maya’t maya dahil sa mga medyo censored na ginagawa ng mga characters, mahirap na baka gayahin nila, hehehe! Idamay niyo na rin pati ang tenga nila dahil sa medyo mature din ang ibang pinaguusapan nila dito pero konti lang man ang mga parte na ganun (kung nakakaintindi sila ng japanese).
Iba’t-iba ang naramdaman ko habang pinapanood ko to. May saya, lungkot, excitement, thrill, awa, inis at pagkamangha. Isa ito sa mga rason kaya hindi ko mabitiwan ang pagkahilig ko sa anime kasi bilang isang tao gusto kong makaramdam ng mga bagay na hindi ko naman puwedeng maramdaman araw-araw pero pag nanonood ako ng anime puwedeng-puwede.
mukhang maganda nga itong anime na ito. bampira na naman? twilight? waaaahhhh…. ganda nung drawing, wahahaha… sana ipalabas sa tv.
I-download mo na lang kasi baka matagalan pa yan bago i-air sa TV.
nakakatamad naman kasi ung marathon papanuorin, gusto ko yung parang sa tv, aabangan. hehe
nung ako nanonood hindi naman ako tinamad, sabik pa nga akong panoorin agad yung mga susunod e. hehehehe….
hehehe at may japanese lessons pa pala dito…may natutunan ako today…monster story…Bakemonogatari.
buti naman at may nakuha ka sakin Father, hehehe, kahit di mo magagamit.
congrats akrebley!
pasok ka na sa super 5 sa rankings!
wow, yehey! sige check ko yan.
Waw bagong layout! Gulat ako kala ko naligaw lang ako. Haha.
Anong anime to? Parang ngayon ko lang narineg. Matagal tagal na talaga kong naligaw sa mundo ng anime. Hehe.
Akrebley manunuod na ko ng Naruto! Matapos ang matagal na pagmamatigas hahaha.
Good, mabuting bata! Bwahahaha! Simulan mo nung bata pa siya, matatagalan ka pero worth it naman kasi malaman mo buong story.
Bago lang yan, summer this year lang yan pinalabas. Hanap ka ng madodownloadan nito ng torrent. Hanep to, I recommend it. Baka marami kang mapulot na harsh words dito pandagdag sa vocabulary mo. Wehehehehe!
Nako mukhang magagamit ko nga yang harsh words na yan. Haha.
Baka DVD marathonin ko nalang yan. Mas chillax pag nakahandusay sa sofa eh. Hehe.
Sige mag DVD ka na lang. Nakakalat na yan sigurado sa mga bangketa. Kapag Naruto ang i-marathon mo kulang ang isang linggo. Hehehehe! Kapag yang nasa itaas, matatapos mo yan within the day. 12 episodes pa lang kasi yan e, di pa pinapalabas yung 13 and above.
wowowowow! so cute! mapanood nga rin yan!
Yes! Ang dami ko nang nare-recruit! Bwahahahaha!
Salamat sa pagbisita Eloiski!
mahilig din ako sa hentai, este anime noon, lalo na nuong panahon nila lupin at gon… naku… i miss kilua and gon na…
Nadulas ka na kaya umamin ka na, hehe, joke joke! Di naman hentai yan, medyo may pagka ganun lang pero wala namang pinakitang super censored.
Di pa kasi tapos yung manga ng HXH kaya hanggang ngayon di pa rin tinutuloy, nakaka-miss nga panoorin yun, ang galing ng mga nen abilities nila e.
mahilig ka talaga sa anime.ahehehe
nanonood din naman ako pero hindi na gaano.
naiintindihan ko ang mga nahihilig sa anime. madami kasi pwede gawin sa anime na parang corny pag ginawa sa live action.hehehe
pag me pagkakataon, papanoorin ko yan.
Pag nanood ka niyan baka madagdagan ang mga maiisip mong kaadikan. Bwahahaha! Total mahilig ka rin naman mag-isip ng kung ano-ano, bagay kayo ng palabas na yan.
“superb ang animation.”
maganda nga siguro. hahaha. matingnan nga ang trailer
superb, excellent, magnificent, awesome, ano pa ba? hehehe!
bakit ka anjan?? di ba working hours ngayon?? hahaha
Shhhh…. Wag ka maingay… Bwahahahaha!!!
hinanap koto sa youtube pero di ko makita yung kumpletong first episode. mukang interesting naman pero di pa ako ganong nahu-hook. super ganda ng visuals!
May mga makukuha kang ideas diyan na pang-okray kaya panoorin mo na, pang-asar kasi ang mga dialogues. Bwahahaha!
tama. sa pnonood mo ng anime para ka na ring nakakapunta sa kabilang dimensyon, mas cool mas eksayting kesa sa totoong buhay. gusto ko panoorin ‘to. ayos ka, chong! salamat sa pagshare! =)
salamat naman! at akalain mo yun! kasama ito sa mga bibilhin kong mga dibidis!
hakhak! bakemonogatari! yahooooooo! naeexcite na tuloy ako manood! hakhak!
Oi, just stumbled on your blog! Mukhang maganda! I love anime~! :p Wee! Salamat! I will check this out!