Pang-aso

Eto ang alaga kong aso, si Aisis. Isa siyang basset hound o mas popular sa tawag na hush puppy. Tuta pa lang siya diyan, wala akong picture niya dito sa office na malaki na siya e.
Malambing na aso si Aisis, iba nga lang ang pagkalambing niya dahil ang lambing niya ay ngat-ngatin ang kamay ko. Ever since nung tuta pa siya at ngayong 7-8 months old na siya ay ganun pa rin ang hobby niya, hehehe! Kumusta naman ang kamay ko??? Kung ikukumpara sa iba namin naging dog ay hindi pa siya malala dahil nung dati ay nagkakasugat ako sa braso at binti sa kakulitan nila. Kung ang braso at binti ko ang lupa ng mundo ay nagmistulan itong battle ground sa dami ng sugat at peklat dahil sa kalmot at kagat (buti na lang hindi na visible ang majority ng peklat ko, meron na lang ilan natitira na di rin kapansin-pansin), akala tuloy ng teacher ko nun pag pumapasok ako sa school ay binubugbog ako samin, pero tama naman siya dahil nabubugbog ako sa mga aso namin. Pinuntahan pa nga ako ng teacher na yun sa bahay namin dahil ayaw niya maniwala na aso lang namin ang may gawa ng mga sugat ko. Ang bait niyang teacher, talagang concerned sa mga students niya, sana dumami pa ang mga katulad niya. Nawala nako sa topic!
Anyway, dahil na rin ayoko na maging battle ground ulit ay binibilan ko siya ng buto na gawa sa raw hide. Gustong-gusto niya to, andun lang talaga ang atensiyon niya kapag nasa kanya na. Ang hilig naman niya ngayon ay makipag agawan ng buto, parang tug of war kami palagi. Favorite din niya ang maglaro ng fetch, ihahagis ko lang yung buto or yung bola niya ay hahabulin at kukunin niya na yun tapos tug of war nanaman, hehehe! Tuwing gabi lang namin to nagagawa dahil may work ako. Nung mga unang beses na binibigyan ko siya ng buto, matagal bago niya nauubos, pero ngayon wala pa yatang 30 minutes ubos na niya pero kapag inaabala ko siya sa pagngat-ngat, di niya agad nauubos.
Sabi ng kasambahay namin hindi raw effective ang shampoo ni Aisis dahil kapag pinapaliguan niya/namin siya ay within the day nawawala rin yung fragrance ng shampoo kaya palit nanaman ako ng brand ng shampoo niya kahit mas mahal. Every two to three days ang paligo niya kaya mahalaga na matagal ang effect ng shampoo.
Sa Ace Hardware ako bumibili ng mga kailangan ni Aisis kasi mas mura dun kumpara sa supermarket at mga pet store. Pati pagkain niya dito ko na rin binibili maliban sa vitamins kasi Centrum lang ang puwede sa kanya sabi ng vet niya. Sabi ng ate ko spoiled daw si Aisis sakin at lagi niyang dialog pag napagku-kuwentuhan nila ni mama ay laking Bear Brand daw si Aisis (di pa nakita ni mama ko si Aisis), nung tuta pa kasi siya ay laging yun ang gatas niya hanggang sa mag 6 months siya.
Magastos siya alagaan, compared sa mga naging aso namin before. Sulit naman kasi napapasaya niya ko at sana ganun din ang nagagawa ko sa kanya. Ang pinanghi-hinayangan ko lang ay hindi ko nagawa ang ganito sa previous dogs namin kasi wala pa akong work nung panahong yun.
dati, pareho kami ng sentiments ni Robert Fulghum tungkol sa pets – aso in particular. kaso nung dumating si chacha (Shih Tzu dog ni Aubu na pinapaalagaan sa amin), nagbago na pananaw ko sa mga dogs. loves ko na rin sila, lambing kasi eh. hehe. ^^
ganda ng dog mo, pengeng puppy pag nagkaroon, hahaha.
Kapag pumayag ako ipabuntis siya sige bigyan kita, siguradauhin mo lang aalagaan mo mabuti. Hehehe!
promis yan ah. pabuntis mo na. matanda na si aisis, pwede na.
yey, may dog na ako. bigay lang ha? as in? walang halong joke?
wow ang sosyal naman ni Aisis at maka-piolo pa ahh (centrum) hehehe
dahan dahan baka ma-spoiled mo yan
Babae siya kaya maka-Angel! Hehehe! Sabi ng tito ko dapat vitamins na pang-aso pero mas gusto ko maniwala dun sa vet niya kaya centrum na lang.
Ang cute ng tenga ni Aisis gusto ko sya kalikuten! Hahahaha!
Mygulay ganyan ang dream pet ko, mula palang nung makita ko syang magmodel sa Hush Puppies eh naririnig ko na ang kantang ‘How much is that doggie in the [poster] arf arf!’. Haha. Hindi ko lang kaya magmaintain dahil sa mahal ng kaborloloyan ng pets pero someday..
Actually minsan kahit sa tao walang effect ang shampoo. Hehe.
Totoo yan, maraming shampoo ngayon ay kasinungalingan lang ang nasa commercial. Siyempre hindi lahat.
Pano pa ang H&S commercial ni Pacquiao? Haha. Do people even care if Manny has dandruff? Hell.
Umandar nanaman ang pagiging mean mo. Hehehe!
Hindi naman. Nagulat lang ako sa mga products na ineendorse ni Manny. Wala ng kakonekoneksyon sa kanya eh. Haha.
Is that a Lab? That was so cute!
Aisis is a Basset Hound. Cute talaga siya. Thanks sa pag-visit Rocky!
Cute din ng name nia. How much did you bought Aisis?
Bigay ng tito ko na binigay rin sa kanya ng friend niya.
Mahilig ka pala sa mga aso,ako gusto ko rin magalaga ng aso kahit labrador man lang para me makulit na aso din kami sa bahay.
Nice name Aisis… parang team sa PBA… Alaska Aisis!
it’s reallu true… ang ganda ng name ng aso.
aisis na aso to oh…jajaja
Ang iniisip ko nung binigay ko sa kanya ang name na Aisis ay Egypt, hehehe!
Salamat sa pag-bisita fampings!
Di ako nanonood ng PBA, may basketbolista bang ganun ang name?
wow ang swerte naman ng doggie.. samin di pd mag alaga ng aso.. waahhh.. nilalason ng kapitbahay…
Lasunin mo rin sila! Grrrrr!
Ang cute!
Wah! Pangarap ko magka-aso, kaya lang ayaw nila Mama. Maingay raw at mabaho. Pati nakakasakit raw. Hay. Gusto ko ng ganyan or ng Golden Retriever.
Pag nagsarili ka na lang mag-alaga ng dog para walang conflict sa family mo, valid naman kasi ang reasons nila at baka mahirapan yung dog kapag pinilit mo mag-alaga dahil baka hindi maging maayos trato sa kanya.
Kung proproblemahin mo yung baka makasakit, meron naman mga dog training lessons or ikaw na lang mag train, time consuming nga lang.
Hehe! Yun nga po eh. Pag ako may bahay na and all (kailan pa kaya yun? O____O), gusto ko ng aso para cute yung bahay ko. Hehe. Inggit rin kasi ako sa may mga aso eh. Parang ang safe safe nila.
Yun po yung gusto ko gawin pag nagkaaso ako. Ittrain ko. We’ll be the best of friends. Woot.
Padaan ako Akrebley.
Yung mga anak ko nung bata pa ay mahihilig din sa aso…pero mga lokal lang. Hanggat tuta ayun gustong-gusto nila pero kapag lumalaki na ay surrender na sa pag-aalaga…hehe.
Talagang nakakalibang din kapag may alagang aso sa bahay.
Nakakalungkot naman, sana kahit lumaki na yung dog andun pa rin yung kagustuhan maalagaan at mapasaya yung aso.
Tama ka Lolo, nakakalibang at maaaliw ka sa kanila. Kapag ginusto ulit ng mga anak mo mag-aso, pangaralan mo po sila na hindi dapat pabayaan yung dog kahit lumaki na. Kung iisipin natin kasi mabuti, may buhay ang mga aso, nakakalungkot kasi isipin na nahihirapan sila e wala naman sila kalaban-laban diba.
huwaw naman at napakadevoted naman sa pet nya!
hanga ako sayo kasi ako talaga hindi mahilig mag-alaga ng pets. ang pets ko ay ang two piglets ko na matatakaw pero cute. hahaha! i was born to be a mother talga kaya mga bata ang alam ko alagaan, hindi mga alagang hayop. very high maintenance din kasi ang mga pets eh…
Hello kay Aisis!
Sige ate Kaye, ihe-hello kita sa kanya.
Oo, ‘yan ang tanong: kamusta naman ang mga kamay natin. Ako pati braso puro ngatngat na rin. mine is more than 3 mos pa lang pero maharot na.
Si Aisis ever since nakuha ko siya hobby na talaga niya magngatngat, medyo nabawasan na ngayon. Dati kasi pati mga halaman ngingatngat din niya.
ang susyal naman ng asong yan… ang bait ng amo nya, maswerteng aso…
ano bang mangyayari kapag pinakain mo yan ng normal na pagkain ng isang askal rather than dog food? bababa ba ang lifespan nya?
As much as possible iniiwas ko siya kumain ng human food kasi kulang ang nutrition nun para sa kanya compared sa dog food na ginawa talaga para kumpleto sa nutrition ang aso.
Siguro may effect na rin sa lifespan ng dog kung human food pero malay ko ba hindi naman ako scientist. Hehehehe!
ahehehe… mas maswerte pa ibang aso kesa sa iba nating kababayang walang makain.
hehehe
2 aso namin ang sobrang napamahal sa akin. si Gringa at si Buldog! kaso wala na sila.
Ganun talaga kapag inako mo na yung responsibilidad sa isang bagay, sa case na to ang pag-aalaga sa aso.
Maikli lang kasi life span nila, talagang ganun. Malay mo masaya naman sila sa dog heaven (meron kaya?) nagtatatakbo. Hehehehe.
Pinsan ko binebentahan ako ng Chinese Sharpei for 1800 e, do you think it’s worth buying? Mahirap ba magalaga ng may lahing aso? Ano pinapakain mo K Aisis?
Bawat lahi ng dog may kanya-kanyang ugali. Search mo sa net ang behavior ng Chinese Sharpei.
Tingin ko i-consider mo muna kung makakaya mo siya alagaan, depende kasi sayo yun. Kailangan bigyan mo siya ng food, water at shelter. Inaasikaso mo rin siya gaya ng pagpapaligo, makikipaglaro, lilinisin yung paligid niyo kasi siyempre iihi at dudumi siya.
Dog food pinapakain ko kay Aisis, marami sa Ace hardware. Hanap ka ng brand na hiyang sa aso mo, yung gustong-gusto niya para walang sayang.
shet! ang kyut kyut!
genyan din ako sa mga tuta (at kuting), feeling ko trina-trust na nila ako pag kaya na nila akong kagat kagatin sa kamay.
yung kagat nila laro lang at di talaga dinidiin unlike pag galet or takot sila. basta! kakatuwa. pero pag medyo tumanda na ang aso, tinitigil na nila yung kagat kagat laro laro, parang alam nila na pwede silang makasugat kaya di na sila ganon. basta, kakatuwang makipaglaro sa mga tuta.
Ilang araw nga lang pagka-post ko nito nasugatan niya nako. Maharot talaga siya. Buti na lang naineksiyonan na siya. Pati sa kuting nagpapakagat kawith matching kalmot pa yun? Hehehehe!
deds na rin ba ang blags na to? hehehe.
Akrebleeeey! Kumustasa ka na? Haha. Nakita ko nanaman si Aisis mo. Pwede mahiram? Lol.
ang kyut naman ng hush puppy mo
ako din meron nyan “hush puppies” shoes nga lang toinks! naiwan ko sa pinas! aheheheh
nakaka relax tlga mga pets noh!
wowowowwowow!!!
ang ganda ng alaga mo akrebley! bakit aisis ang name nyan?
mukang mabango ang aso mo. alagang-alaga mo pala e, hehe. ako di mahilig sa hayop.
hey hey! kamusta? hiatus ba..hmm..
antagal na nito ah… wala pang bago… san ka na, akrebley? bakit antahimik mo na ????
parang busy ata si akrebley ngaun ahhh ala na update…. bakit kaya ….
heyyah! kamusta? magparamdam ka naman dude. hehe. :]
tao po? tol nasan ka na?
hi po!! bagong blogger po ako dito!!!pavisit lang po!!!
take care po palagi!! ang God bless
spend more sa aso… ahehehehe ang mahal naman ata ng beauty products para sa aso… ahehehehe
hello po kamusta? pde po bng mkipag link exchange.? kung ok lng.. slamt..