AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Kuwentong Kababalaghan


Matagal na mula nung binili ko yung “True Philippine Ghost Stories Book 26″ at “The Best of TPGS” pero di ko pa rin sila natatapos basahin. May iba kasi akong ginagawa kapag weekend at pangalawa parang ayoko munang takutin ang sarili ko dahil sira pa rin ang ilaw sa kuwarto ko.

Kapag nagbabasa kasi ako ng nakakatakot may nararamdaman akong excitement at nakakaramdam ako ng goosebumps at pakiramdam ko may nakatingin sa akin habang nagbabasa, malamang ganito rin ang pakiramdam ng ibang tao kaya gusto rin nila. Ayon nga naman sa mga Psychic, kapag alam ng mga kaluluwa o mga elemental na sila ay pinag-uusapan nagsisilapitan sila, siguro ganun din kapag nagbabasa ka ng mga tungkol sa kababalaghan. Ayon din kasi sa iba ko pang nabasa nung nagreresearch ako about astral projection, kapag nakalabas ka na sa iyong katawan kailangan wag mag-isip ng anumang hindi kaaya-aya, malakas daw kasi ang thoughts ng mga tao at nag mamanifest ito sa astral plane kaya kung nagiisip ka ng negative o kung ano mang nakakatakot maa-attract nito ang mga negative at nakakatakot na nilalang sa astral plane. Marahil ganun din kapag nagbabasa ka ng mga kababalaghan o nakakatakot kaso nga lang nasa sarili mo pa rin ikaw na katawan.

Nung bata pa ako tingin ko na experience ko na rin mag astral project. Siguro lima o anim na taong gulang ako noon. Nanaginip kasi ako ng nakalutang ako at tinitignan ko ang sarili ko na natutulog. Para kasi siyang totoong nangyari at hindi panaginip lang. Nalaman ko lang na ganun pala ang nangyayari kapag nagaastral projection nung mapanood ko ang explanation ng isang psychic tungkol dito sa TV maraming taon na ang nakalipas mula nung maranasan ko yun.

Gustong-gusto ng mga tao ang nakakaramdam ng takot sa mga bagay na ganito, tingin ko naiintindihan ko naman sila kahit papaano dahil ganun din man ako. Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro dahil sa adrenaline na nararamdaman kapag natatakot kaya hinahanap-hanap. Kaya nung college ako, nag research ako about opening the third eye. May mga exercises para ma open ito tulad ng meditation, pag record sa panaginip (puwede rin to sa astral projection), pagtitig sa isang image na maraming circles (nakita ko to sa isang website na may name na Pazuzu), at marami pang iba. Ang nasubukan ko ay ang humiga sa posisyon na komportable at mag concentrate sa parte ng noo na malapit sa gitna ng kilay. Andito daw kasi ang isang chakra point para mabuksan ang sixth sense. Araw-araw ko ito ginagawa bago matulog pero hindi ko rin ito naituloy dahil kinikilabutan na ako after ten minutes ko itong ginagawa. Siguro hindi ko pa kaya i-handle kaya tiyaka ko na lang susubukan ulit.

Meron ding pinatalastas sa TV na seminar para ma open ang third eye o sixth sense. Nakita ko ito nung nanonood ako ng Nginiiig!!! na TV horror flick sa ABS-CBN. Nag-try ako mag-email pero hindi ko masend sa e-mail na binagay nila sa TV kahit sa yahoo o gmail ko ito isend. Naisip ko na lang na baka hindi pa ako puwede dahil duwag ako. Iniisip ko nga lang sila natatakot na ako pero gusto ko pa rin makakita ng mga ganun. Marami rin akong nabasang forums na may mga taong nagtatangka na iopen ang sixth sense o third eye nila pero katulad ko parang wala lang effect ang pagsasabi ng iba na wag na dahil sa consequences ng pagkakaroon nito. Dahil na curious na rin naman kaya sige-sige na lang hanggang magsisi. Hahaha!

Ang kaibigan ko, nakakita na siya sa office nila at tanghali pa ito nangyari. Wala nga talaga silang pinipiling oras. Habang may ginagawa siya sa computer ay may tumabi sa kanyang lalake na akala niya ay nakikibasa lang pero paglingon niya wala itong ulo. Ganito rin ang na experience ng kasamahan ng ate ko at sa workplace din nangyari. Headless ghost din ang nakita niya. Nangyari ito sa kanilang dalawa habang nag-iisa lang sa office. Mukhang type talaga ng mga multo manakot kapag nag-iisa ka lang. Puro headless ghost ang nagpapakita buti na lang at hindi demonyo pero malay mo demonyo pala yun na nagpapanggap na headless ghost. Nung college naman, kamamatay lang ng school directress namin, isang gabi siguro around 7:30 – 8:30 pm ay nasa school pa kami at nagre-ready ng umuwi. Isa sa mga kaklase ko ang pumunta muna sa banyo. Naghintay kami sa may malapit lang din sa banyo dahil may upuan dun kaya alam namin kung may papasok. Pumasok siya sa isang cubicle para gawin ang pinunta niya dun. May nakita siyang pumasok sa banyo na nakasapatos ng pula na may takong. Hindi niya ito pinansin. Paglabas niya ng cubicle bigla niyang naisip silipin kung saang cubicle pumunta ang nakatakong pero wala siyang nakita, walang laman lahat ng cubicle. Naisip na lang niya na baka yung multo ng school directress yun dahil lagi rin yun nakatakong.

Iba talaga ang thrill kapag nakakapanood o nakakapagbasa ng tungkol sa mga kababalaghan kahit saan kasi magpunta basta maalala mo lang ang napanood o nabasa sigurado magkakaroon ka ng goosebumps. Baka mai-release na ang book 27 hindi di ko pa rin tapos basahin ang book 26. Kapag feel ko na ulit takutin ang sarili ko babasahin ko na siya ulit. Hehehe!!!

Setyembre 28, 2009 Posted by | Lipat Blog | , , , , | Mga Puna

Pagtala ng Panaginip

Nung ako ay nasa college, isa sa mga paborito kong subjects ay ang Psychology kasi nakakatuwa ang mga dinidiscuss at interesting. May activity kami na ginawa sa Psychology subject namin. Ang i-record ang panaginip namin sa notebook.

Sabi kasi ang panaginip daw ay maaaring may hidden meaning na puwedeng para sa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap. Ang pinagawa sa amin, tuwing mananaginip ay kailangan tandaan ito at isulat agad sa notebook para hindi makalimutan. Kapag naitala na ang panaginip ay susubukan mo naman iinterpret ito sa pamamagitan ng mga impormasyon sa panaginip na maaaring may koneksyon sa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap. Halimabawa ay ang isa kong panaginip na gumagawa ako ng presentation sa laptop. Ang koneksyon lang na naiisip ko kaya nanaginip ako ng ganun ay dahil may presentation kami kinabukasan at bago ako matulog ay gumagawa ako ng powerpoint presentation na tadtad ng anime. Hehehe! Sinangayunan naman ako ng aming instructress ng ipasa ko sa kanya ang interpretasyon ko ng aking panaginip.

Ang mga tips na sinabi niya sa amin para maging matagumpay sa pagtala ng panaginip ay ang mga sumusunod:
1. Ilagay ang notebook at pen malapit sa hinihigan para kapag nagising ay maisulat agad ang napanaginipan. Importante ito dahil nga karamihan ng mga tao ay mabilis itong nakakalimutan pagkagising.
2. Bago matulog ay kailangang isipin mo na mananaginip ka at matatandaan mo ito. Effective ang paraan na ito kasi nasubukan ko na. Baka sa umpisa medyo sumablay at wala kang maalalang panaginip pero habang tumatagal ay araw-araw mo na itong magagawa.
3. Wag iinom ng gamot bago matulog kasi nakakaapekto daw ito sa brain waves. Buti na lang hindi sumasakit ang ulo ko ng time na yun kaya di ako napainom ng gamot.

Kung tama ang pagkaalala ko, may nabasa ako kung saan pero di ko maalala kung book o sa internet, na ang tao raw ay nananaginip ng average of 15 times sa isang araw. Kaso nga lang hindi ito naaalala kaya akala ng mga tao ay isa hanggang dalawang  beses lang sila nanaginip.

Nung nagka-interes ako sa paranormal, naghahanap ako sa internet ng ways kung paano mabuksan ang third eye o magkaroon ng sixth sense at isa sa mga nabasa kong exercises ay ang pag-record ng panaginip. Sayang pala, kung tinuloy ko lang yung pagrerecord ng panaginip ay baka malapit ko ng mabuksan ang third eye ko (parang si Hiei lang, joke). Tsk, tsk, tsk.

Setyembre 26, 2009 Posted by | Lipat Blog | , , , , | Mga Puna

Masakit sa ulo na pangyayari sa pag-uwi

Dahil sa bumenta to sa college friend ko na tawa ng tawa ay naisip ko ilagay to dito, pambalik tanaw ba. Pinost ko to nung January sa ibang site. Natawa rin kasi ako sa mga naisip ko nung panahong yun kaya eto na ulit.

Noong Sabado at Linggo maliban sa pagtulog at panonood ng TV sa cellphone ay buong araw lang akong nagbabasa ng mga libro ko na noong isang taon ko pa binili. Kinokolekta ko kasi yun kasi nakakatakot talaga ang mga istorya. Ang book ay True Philippine Ghost Stories. Type ko takutin ang sarili ko kapag nag-iisa na lang sa pag-iisip ng mga nakakatakot kaya favorite ko ang books ng TPGS. Apat ang binili ko from 21 to 24, wala pa akong kopya ng 25 at ng special edition. Noong Linggo ng hapon ay nakaramdam na ako ng pananakit ng ulo dahil sa pagbabasa, buti na lang at meron pa akong gamot na maiinom. Ilang oras lang din ang naging epekto ng gamot kaya ng kinagabihan ay paunti-unti na rin bumalik ang sakit ng ulo ko. Dinaan ko na lang sa tulog.

Kinabukasan nagising ako na medyo masakit pa rin pero hindi na kasing lala ng kahapon. Pumasok ako at bumili na rin ng gamot dahil wala na akong maiinom. Mga 2 o 3 oras bago ako umuwi ay nagsimula ulit sumakit ang ulo ko. Naisip kong sa bahay na lang uminom kasi hindi pa ako kumakain. Kailangan nakakain na muna bago inumin ang gamot.

Sa aking pag-uwi ay nawala naman ang sakit ng ulo ko sa MRT siguro ay dahil naaliw ako sa pinapakinggan kong kanta na “Paper Moon”. Sumakay na ako ng jeep sa may Quezon Ave. papuntang Fairview. Dito na nagsisimula ang malagim na pangyayari. Isang bagay na ayoko at iniiwasan kong mangyari kapag naglalakbay.

Mabilis mapuno ang jeep. Nakaupo ako sa bandang gitna sa left side ng jeep. Puno na ang right side ng jeep, sa left side na lang may bakante. Ang huling pumasok ay mag-syota. Mukhang malakas ang instinct ng katabi ko sa left at nararamdaman niya ang malagim na mangyayari (siguro isa siyang psychic) kaya umusog siya para paupuin ang mag-syota. Papaupo pa lang ang dalawa ay may karumal-dumal ng nangyayari (hindi ko alam ang ibig sabihin ng karumal-dumal type ko lang ilagay dito), yung lalake ay may malakas na putok. Matindi ang penetration ng kanyang dalang pasabog kaya na trigger ulit ang headache ko. Buti na lang at medyo may suwerte pa akong natitira nung araw na yun dahil hindi ko pa naipasok ang panyo ko sa aking bulsa. Dali-dali kong ipinantakip ito sa aking ilong. Hindi ako sanay na takpan ang ilong ko ng panyo kaya nahihirapan akong huminga. Pero wala na akong choice, kailangan wag huminga wag lang maamoy ang nabubulok na kung ano sa kanyang underarm. Hindi ako nagtagumpay, malakas talaga ang kapangyarihan niya. Hindi kaya ng depensa ko ang walang ka effort-effort niyang opensa. iniharap ko ang mukha ko sa right side kahit na may manong sa right side ko na parang sumo wrestler kung mag-pawis (gusto ko na umiyak nung mga sandaling yun). Nabawasan ang daloy ng di kaaya-ayang amoy pero meron pa rin. May bumabang pasahero sa right side ng jeep. May bumaba sa right at left side ng jeep. Lilipat sana ako sa right side kahit na masikip pero naunahan ako nung bagong sakay (malakas din ang psychic powers ng bagong sakay dahil kahit na umurong ako para gawing bakante ang left ko ay sa right pa rin siya pumunta). Parang type talaga ng lalakeng may halimaw na nakatira sa underarm na ako’y pahirapan kaya lumapit sila ulit ng hindi dun umupo ang bagong sakay na psychic. Gusto ko siyang sabihan na wag akong lapitan at baka hindi ko na kayanin at himatayin ako pero nakakahiya kaya nagtiis na lang ako. Mag-lalaban sana ako sa pamamagitan ng pag-utot ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko kaya dahil tuwing madaling araw kapag nasa banyo lang gumagana yun at kahit na gawin ko yun ay mukhang wala akong pag-asang makalaban sa lakas ng kanyang kapangyarihan. Kung lalabanan niya si Kiba, Akamaru at ang mga ninja dogs ni Kakashi sigurado na ang pagkapanalo niya dahil isang kilometro pa lang ang layo ay siguradong na knock-down na ang mga kalaban niya. Para akong nag-swiswimming, one to two minutes akong nagpipigil ng hininga para maka survive na wag malunod sa dagat ng patay na hangin. Sawakas nabakante ang right side ng jeep ng may bumaba kaya nakalipat ako. Kahit na akoy nasa kabila na ay medyo amoy pa rin, siguro mga 20 to 25 percent na lang ang kayang ilabas ng kapangyarihan niya sa ganoong distansya (mid-range fighter siya). Gusto ko ilabas ang ulo ko sa bintana ng jeep para makalanghap ng mas kaaya-aya sa nuclear weapon, kaso baka maputol ang ulo ko dahil maraming jeep at bus ang mahilig makipag gitgitan. Buti na lang ay bumilis ang patakbo ng driver kaya lumakas ang hangin pumapasok sa jeep kaya 5% na lang ang natira sa powers niya. Pag-tingin ko sa mag-syota ay masaya silang nagkukuwentuhan. Mukhang hindi naamoy ng babae ang kahindik-hindik na pakawala ng kanyang boyfriend kasi nakadikit pa siya dito.

Ang mga naisip kong dahilan kung bakit nakakayanan ng babae ang pasabog ng kanyang boyfriend ay ang mga sumusunod:
1. May sipon siya.
2. Hindi siya biniyayaan ng pang-amoy.
3. Sanay na siya sa amoy ng bf niya.
4. Pareho silang may matinding kapangyarihan kaya balewala lang.

Sa wakas bumaba na ang dalawa sa Fairview Market, natapos na ang matinding pagsubok sa aking ilong at masakit na ulo. Habang papauwi ay unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko. Quarter to 11 PM na siguro ako nakauwi. Nawala na ng tuluyan ang sakit ng ulo ko bandang 12:30 AM. Bago matulog talagang naalala ko pa ang kahindik-hindik na pangyayari buti na lang tapos na (parang na trauma ako ng konti).

Note: Sana magtayo ang gobyerno ng rehabilitation center para sa mga malakas ang body odor para mabuhay ng matagal ang mga nilalang sa paligid ng mga may kapangyarihan na ganun.

Setyembre 22, 2009 Posted by | Lipat Blog | , , | Mga Puna

   

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.