AKREBLEY

pangalan sa panaginip

Pang-aso

si Aisis habang kanakagat ang kamay ko na nasa loob ng bulsaAisisEto ang alaga kong aso, si Aisis. Isa siyang basset hound o mas popular sa tawag na hush puppy. Tuta pa lang siya diyan, wala akong picture niya dito sa office na malaki na siya e.

Malambing na aso si Aisis, iba nga lang ang pagkalambing niya dahil ang lambing niya ay ngat-ngatin ang kamay ko. Ever since nung tuta pa siya at ngayong 7-8 months old na siya ay ganun pa rin ang hobby niya, hehehe! Kumusta naman ang kamay ko??? Kung ikukumpara sa iba namin naging dog ay hindi pa siya malala dahil nung dati ay nagkakasugat ako sa braso at binti sa kakulitan nila. Kung ang braso at binti ko ang lupa ng mundo ay nagmistulan itong battle ground sa dami ng sugat at peklat dahil sa kalmot at kagat (buti na lang hindi na visible ang majority ng peklat ko, meron na lang ilan natitira na di rin kapansin-pansin), akala tuloy ng teacher ko nun pag pumapasok ako sa school ay binubugbog ako samin, pero tama naman siya dahil nabubugbog ako sa mga aso namin. Pinuntahan pa nga ako ng teacher na yun sa bahay namin dahil ayaw niya maniwala na aso lang namin ang may gawa ng mga sugat ko. Ang bait niyang teacher, talagang concerned sa mga students niya, sana dumami pa ang mga katulad niya. Nawala nako sa topic!

Raw Hide and ShampooAnyway, dahil na rin ayoko na maging battle ground ulit ay binibilan ko siya ng buto na gawa sa raw hide. Gustong-gusto niya to, andun lang talaga ang atensiyon niya kapag nasa kanya na. Ang hilig naman niya ngayon ay makipag agawan ng buto, parang tug of war kami palagi. Favorite din niya ang maglaro ng fetch, ihahagis ko lang yung buto or yung bola niya ay hahabulin at kukunin niya na yun tapos tug of war nanaman, hehehe! Tuwing gabi lang namin to nagagawa dahil may work ako. Nung mga unang beses na binibigyan ko siya ng buto, matagal bago niya nauubos, pero ngayon wala pa yatang 30 minutes ubos na niya pero kapag inaabala ko siya sa pagngat-ngat, di niya agad nauubos.

Sabi ng kasambahay namin hindi raw effective ang shampoo ni Aisis dahil kapag pinapaliguan niya/namin siya ay within the day nawawala rin yung fragrance ng shampoo kaya palit nanaman ako ng brand ng shampoo niya kahit mas mahal. Every two to three days ang paligo niya kaya mahalaga na matagal ang effect ng shampoo.

Sa Ace Hardware ako bumibili ng mga kailangan ni Aisis kasi mas mura dun kumpara sa supermarket at mga pet store. Pati pagkain niya dito ko na rin binibili maliban sa vitamins kasi Centrum lang ang puwede sa kanya sabi ng vet niya. Sabi ng ate ko spoiled daw si Aisis sakin at lagi niyang dialog pag napagku-kuwentuhan nila ni mama ay laking Bear Brand daw si Aisis (di pa nakita ni mama ko si Aisis), nung tuta pa kasi siya ay laging yun ang gatas niya hanggang sa mag 6 months siya.

Magastos siya alagaan, compared sa mga naging aso namin before. Sulit naman kasi napapasaya niya ko at sana ganun din ang nagagawa ko sa kanya. Ang pinanghi-hinayangan ko lang ay hindi ko nagawa ang ganito sa previous dogs namin kasi wala pa akong work nung panahong yun.

Oktubre 23, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , , , , , , , , | Mga Puna

Bakemonogatari

Cross Wielding someone

Ogre Something

Oddity with a cross necklace

Oshino Meme

Shinobu

Shinobu Vampire Arm Cut

Lost Snail

Senjougahara catched

Senjougahara Hitagi

Rainey Devil

Nice view Araragi!

Kanbaru and Hitagi

Natapos ko na panoorin ang anime na nasa itaas kahapon. Ang pamagat ay Bakemonogatari. Kung madalas kayo manood ng anime na japanese dubbed ay marahil lagi niyong naririnig ang word na bakemono na ang ibig sabihin ay halimaw o monster sa ingles at ang word na monogatari na ang ibig sabihin naman ay kuwento o story sa ingles. Kung isasalin sa ingles ang pamagat ay Monster Story o Monster Stories. Isa itong nobela na isinulat ni Nisio Isin.

Ang istorya nito ay umiikot sa isang 3rd year high school student na nagngangalang Araragi Koyomi. Isang gabi ay inatake siya ng bampira at dahil sa siya ay nakaligtas ay naging bampira rin siya pero naibalik sa pagiging tao sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Oshino Meme. Kahit na naging tao na siyang muli taglay pa rin niya ang kapangyarihan ng isang bampira pero 10% na lang. Habang patuloy siya sa kanyang buhay ay nakakakilala siya ng mga taong may mga problema sa mga oddities (eto ang term nila imbes na paranormal entities) at kanya silang tinutulungan. Kaya imbes na matahimik na siya ay patuloy pa rin siyang napapasama sa mga gulo na may kinalaman sa mga oddities katulad na mga multo, mga diyos, mga demonyo, at iba pang nilalang.

Kung ako ang tatanungin, napakaganda ng pagkakagawa ng anime na to. Puno ng details at magaganda ang mga characters pati na rin ng mga lugar, superb ang animation. Matindi rin ang mga action scenes kaso nga lang masyadong madugo pero meron namang ibang anime na mas madugo dito e, hehe. Kahit sa mga eksena na walang fighting scenes ay hindi ka mabo-bored dahil kakaiba mag-usap ang mga characters dito, makikita mo rin sa pag-uusap nila ang uniqueness ng bawat isa. Hitik sa linya ang mga characters kaya siguradong maraming maqu-quote. Medyo may pagka-psychological din ang anime na to dahil na rin sa mga karanasan ng mga characters na siguradong makaka-relate ang mga manonood. Nagustuhan ko rin ang opening at ending themes, ayos ang beat medyo nakaka-relax at maganda ang mga meaning at higit sa lahat madali kasi sabayan kaso nakakaubos ng hininga minsan. Ang pamagat ng opening ay Staple Stable na kinanta ni Chiwa Saito at ang ending naman ay Kimi no Shiranai Monogatari na kinanta ng Supercell.

Kung meron man sa inyong manonood nito at may kasama kayong bata ay siguraduhin niyo na takpan ang kanilang mata maya’t maya dahil sa mga medyo censored na ginagawa ng mga characters, mahirap na baka gayahin nila, hehehe! Idamay niyo na rin pati ang tenga nila dahil sa medyo mature din ang ibang pinaguusapan nila dito pero konti lang man ang mga parte na ganun (kung nakakaintindi sila ng japanese).

Iba’t-iba ang naramdaman ko habang pinapanood ko to. May saya, lungkot, excitement, thrill, awa, inis at pagkamangha. Isa ito sa mga rason kaya hindi ko mabitiwan ang pagkahilig ko sa anime kasi bilang isang tao gusto kong makaramdam ng mga bagay na hindi ko naman puwedeng maramdaman araw-araw pero pag nanonood ako ng anime puwedeng-puwede.

Oktubre 20, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , , , , , , , , , , , , , , , | Mga Puna

Ilusyon nga ba?

Hanggang ngayon hindi pa rin gawa ang ilaw sa kuwarto ko kaya nagtiya-tiyaga ako sa dilim. Nakalimutan kong i-charge ang gamit kong ilaw sa kuwarto kaya wala akong magamit kundi ang head light ko na pang hiking. Maliwanag naman to kapag tinapat sa kisame kasi nagre-reflect sa buong kuwarto dahil kulay puti ang kisame. Meron ding konting illumination na galing sa labas kapag naiwan ng kapitbahay na bukas ang ilaw nila sa labas. Kahit na mataas ang bakod abot pa rin ang liwanag dahil sa taas ng bubong nila kung saan nandun ang naninilaw na liwanag (siguro bombilya lang yun).

Late na ako natulog kagabi, around 11:30-11:50 PM, dahil nanood pa ako ng “Bakemonogatari”. Kahit kailangan kong matulog ng maaga dahil sa 4:00 AM pa ako gigising ay nanaig pa rin ang pagka-adik. Naiwan ng kapit-bahay namin na bukas ang ilaw nila kaya may konting illumination sa kuwarto ko.

Nagising ako ng madaling araw. Nakaharap ako sa kanan ko nung nagising ako (nakatagilid ako lagi matulog). Lagi naman akong ganito, nagigising kahit anong oras. Tuwing mangyayari ito lumilipat ako ng side, kanan, kaliwa, kanan, kaliwa. Nang papalipat ako sa left side ko napadilat ako. May naaninag akong babae na nakatingin sakin! Napatigil ako ng 1-2 seconds, nakatitig lang sa kanya, kahit ganun lang kabilis parang napaka tagal kong nakatingin sa kanya.

Nasa paanan ko yung babae. Di siya mukhang nakatayo, marahil nakaluhod lang habang tinitignan ako. Mahaba ang buhok niya at magulo, sabog-sabog. Tingin ko puti ang suot niyang damit, pero di ako sigurado dahil na rin siguro sa dilim, di sapat ang liwanag na nanggagaling sa labas.

Nakatapat na ako sa left-side ko ng pinipilit kong wag siyang isipin. Naririnig ko ang puso ko na tumitibok ng malakas at mabilis, medyo pinagpapawisan na ko sa kaba. Naiisip ko ang mukha ni Kayako dahil parang pareho sila ng features. Kumakanta ako sa isip ko para wag ko lang siya maisip pero parang balewala lang. Naisip ko na marahil siya ang nararamdaman ko madalas kapag nagigising ako ng gabi na nakatingin sakin. Naiisip ko na hihilahin niya ang paa ko kaya ginalaw ko ang binti ko. Wala namang puwersang pumigil sakin, dun pa lang ako nagsimulang kumalma at nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin ulit sa paanan ko. Wala na siya, tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na, 3:16 AM pa lang! Around this time din kapag nararamdaman kong may nakatingin sakin, na-post ko na to dito.

Nakatulog din naman ako pagkatapos at nagising ng 4 AM. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na ilusyon lang yun na dala ng antok at malabong liwanag sa kuwarto. Sa ngayon iisipin ko na munang ilusyon lang ang nakita ko imbes na lang kung makita ko siya ulit.

Oktubre 19, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , , , , | Mga Puna

Gulo sa Escalator

Escalator 1

Escalator 2

Ang pangyayaring nakikita niyo sa kuhang nasa itaas ay nangyari sa SM Fairview. Habang kumakain kami ng mga pinsan ko sa Yellow Cab ay biglang nagkaroon ng sigawan sa labas.

Naghahalungkat ako ng pictures sa computer ko ng makita ko to. Nangayari ito nung nakaraang taon. May mall show kasi ang isang show  ng GMA 7 (di ko na maalala kung anong show) kaya ang mga tao ay nagkakagulo (mga adik).

Noon lang kami nakakita ng ganun kaya naman kinuhanan namin agad ng picture. Ang mga tao, lalo na ang mga babae ay sumasakay sa escalator na papataas pero dun din sila sa escalator na yun pilit bumababa. Siyempre walang katapusan na babaan yan. Ginagawa nila ito dahil hindi nila makita ang mga artista dahil sa kapal ng tao, kailangan nasa mas mataas sila at yun ang naging silbi ng escalator.

Nagsimula na ang stampede sa escalator ng may iba pang gusto umakyat at bumaba ng escalator. Ang mga sumunod na pangyayari ay ang nakikita na ninyo sa taas. Usually may mga security guards na humaharang o nagbabawal sa mga tao para gawin ang mga kaadikan na ganyan pero wala sila. Malamang nakisali na rin sila sa mga nagkakagulo.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nila ng mga sandaling yun kaya nila nagawa ang mga ganoong bagay. Kahit nagkakasakitan na kasi sila ay sige pa rin sila sa pag sakay dun sa escalator. Ang tanging nagawa na lang namin ng mga pinsan ko ay ang tumawa ng tumawa dahil sa mga hiyawan at kaadikan na nangyayari.

Kahit ganoon ang nangyari sa mga biktima o biniktima ang sarili ay makikita naman na masayang masaya sila habang nahuhulog at nagkatumbahan na sa escalator na lalong nakakatawa.

Oktubre 17, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , , , , | Mga Puna

Paranormal Experience Scene 1: From A Different View

Back in my adolescent years I’d be told stories about ghosts, aswangs, engkantos, lamang lupa and other entities by my titos, titas, cousins, neighbors, TV shows and movies. This piqued my interest in the paranormal. I will research about paranormal things like opening the third eye, ESP, astral projection, clairvoyance, spirit guides, etc .

Anyway, I was planning on finishing the books I bought last week but found myself doing other things, playing games and sleeping. Every time I finished reading 1-3 stories I’d feel sleepy.

A while ago, two cousin of mine entered my room. This woke me up from my afternoon slumber. Since they saw the book TPGS in the bed, one of them asked  if I had a paranormal experience myself. So we had a little story telling session (ako ang taya) regarding the paranormal events that happened to me.

Since I already shared it to them I thought of posting those experiences here.

My age was 4 or 5 when this happened. My mom, sister and I still live in Las Pinas. We live in an apartment type house but there was no second floor. We are in the farthest unit. I thought the house was big because I’m  still small.

My aunt and uncle (mag-asawa, wag ko na lang sabihin names nila) are the one’s looking out for us at some times since my mom needed to go to work  and there must be somebody to take care of us, usually it’s my other uncle (bunso sa mga kapatid ng nanay ko).  The place where we sleep was made of wood with screens to keep the mosquitos or cockroaches away, a screened door, and was elevated from the floor (nakapako  or something sa ding-ding at may pillars), we go up there by using the stairs attached to it. There was a bed beneath that where my aunt and uncle sleep.

My mom was between me and my sister. I’m near the screened door. I always hug my pillow before going to sleep. After drinking some milk I went to sleep.  Back then we do not turn off the lights even though we are already going to sleep.

I woke up and found my mom and sister still asleep. I don’t know what time it was since I still do not know how to read the clock. I looked below me and saw myself sleeping! That is when I realized that I am floating in front of my body. My body was still hugging my pillow facing the door. I passed through the screens (ang galing ko tumatagos ako, hehehe) and saw my uncle and aunt sleeping on the bed with kulambo beneath us. I went back and tried reaching for my body. The next thing I know was it’s already morning. I told my mom about this and she told me that I’m just dreaming. It felt so real to be just a dream, I told myself.

When those things were happening I did not feel scared, just the feeling of being very light and doing something unusual or out of the ordinary (lumulutang ako). In my teenage years,  my interest in the paranormal grew more. I’d always listen to stories, read books, watch TV shows and movies where anything related to the paranormal was featured (di pa ko marunong  mag internet). I watched a local talk show (can’t remember the program’s name) and they are talking about astral projection. That’s when I learned that what I experienced was the same, it’s astral projection.  So it wasn’t  a dream afterall. I do not know how I did it but I did, well unconsciously did it.

Later on I also learned that some people can do this at will and also mental patients can but unconsciously. I can’t elaborate on the details about astral projection since I’m not an expert on this so just search about it on the net.

Oktubre 11, 2009 Posted by | Shimatta! | , , , , , | Mga Puna